LET’S CALL IT A TRUCE

2354 Words
4-LET’S CALL IT A TRUCE   KIRRA     Dahil maganda ang gising ko maaga akong pumasok. Wala na kasi akong dapat katakutan sa school. Kung tutuusin nga ako na dapat ang batas. Those idiots are now under my control.       Nakataas na ang noo ko habang naglalakad papunta sa classroom. Ang ganda pa ng ngiti ko. Hay, ang sarap talagang maging matalino. Kung akala ng mga matsing na yun matalino na sila, pwes nagkakamali sila. Mas matalino pa rin ako sa kanila. May kasabihan nga tayo, matalino man ang matsing, naiisahan din.       “HOY BABAENG WALANG BALAKANG!!” bungad ng isang malaking kapre.       Umagang umaga may panira kaagad!! Syempre nginitian ko sya. “Good morning to you too!”       “Wag mo nga akong ginu-good morning good morning dyan! Burahin mo na yung video!!” utos nya sa’kin.       “Uhhhh scared?” Paawa effect ko. I flipped my hair and smirked. “Apologize to me at pagiisipan ko kung buburahin ko ang video.”       “ANO?!! BAKIT AKO MAGSOSORRY SA ISANG KATULAD MO?!! HINDI MO BA AKO KILALA HA!!” sigaw nya sa’kin. Siguro taga bundok ‘to. Bakit kailangang sumigaw?       “Hindi! Sino ka ba?” At parang nagulat sya sa isinagot ko. “Isa pa bakit hindi ka magsosorry sa’kin? Pinabully mo ako sa mga aso mo remember?!!” I raised my eyebrows.       “Aba’t – hoy babaeng walang korte ang katawan para sabihin ko sa’yo hindi ako magsosorry!!! Kung may dapat magsorry dun ikaw yun!!! Oo pinabully kita pero gumanti ka remember?” Biglang bumalik sa isip ko yung ginawa kong pagganti at napangiti naman ako. That was entertaining. “Tapos gumawa ka ng eksena kahapon kahit wala na kaming ginagawa sa’yo. In short, ikaw ang may kasalanan sa’min!!”     “Pero hindi tayo aabot sa ganito kung hindi nyo ako sinimulan!” Magsasalita pa sana sya pero pinigilan ko na. “Hephep! Wag ka na lang magsalita. Kung ayaw mong gawin ang gusto ko madali naman akong kausap.” Ngumiti ako at pumasok na sa classroom.     “Goo – good morning T-Toby.” Nakarinig ako ng nanginginig na boses ng babae at sa isang iglap nasa sahig na sya. Nilampasan lang sya ni boy shades at dumiretso na sa upuan nya. Tatlo palang kami sa classroom kasama na ‘tong babaeng ‘to. Teka, sya ba yung tumabi sa’kin kahapon nung kumakain ako.     “HOY BOY SHADES!! MAGSORRY KA NGA SA KANYA!!” Sigaw ko sa kanya at tumingin lang sya.     “Naku, wag na. Kasalanan ko naman kasi kinausap ko sya tsaka nakaharang ako sa daanan.” Sagot ng babaeng inaayos ang suot nya.     “Hindi. Lalaki sya and he needs to apologize.” Nakatitig lang ako kay boy shades pero wala pa rin syang reaksyon. “Wala ka talagang kwenta!! Humanda ka sa’kin!!” Susugurin ko na sana sya pero pinigilan ako nitong babaeng pabida.     “Wag na lang. Okay lang naman talaga ako.” Lumapit sya kay boy shades. “Sorry talaga Toby. Hindi na mauulit.” At yumuko pa sya. Hindi naman sya pinansin ni boy shades at ni hindi man lang tiningnan. Umalis ang babae at lumabas ng classroom.     Umupo ako sa upuan na katabi lang naman nya dahil malas ako. “Hindi ako makapaniwalang binuhay ka ng nanay mo.” Bigla nyang sinuntok ang desk ko.     “Wala kang alam sa’kin!!!” Tumayo sya. “Humanda ka! Hindi matatapos ang araw na ‘to at ikaw ang hihingi ng sorry sa’kin!! Nagkamali ka ng taong binangga!!” Kitang kita ko ang galit sa mga mata nya. Hindi ako natakot nung una sa kanya. Pero habang nagsasalita sya inaamin kong nakaramdam ako ng takot. Hindi ako makagalaw. Parang gusto kong magsorry sa kanya kahit hindi ko alam kung bakit. Parang may nagawa ako na alam kong nakasakit sa kanya pero hindi ko alam kung ano.       Tumalikod sya sa’kin at naglakad palabas. “Wow pre ang aga mo ah – ” sabi ni boy singkit pero nilampasan lang sila ni boy shades.     “Pre may klase pa tayo!” sabi ni boy Briton.     Tumingin silang dalawa sa’kin dahil ako lang naman ang tao sa classroom. “Wag nyo akong tingnan. Wala akong ginagawang masama.” Sagot ko sa kanila ng biglang nagdatingna ang mga classmates namin.       Tatakas pa sana ang dalawang lalaking ‘to pero nahagipal sila ng professor namin. “Danielson, McCall get inside!”       Wala naman silang nagawa at pumasok sila. Malapit sa’kin si boy singkit pero may isang space dahil absent nga si boy shades. Sya siguro si McCall since alphabetical nga ang arrangement namin.       “Uy, miss. Anong ginawa mo kay Toby?” bulong nya. Hindi ko sya pinansin dahil hindi naman ako siguradong ako ang kausap nya. “Hoy miss labo.” Hindi ko pa rin sa pinansin. Hanggang lumipat sya ng upuan at ngayon ay katabi ko na. “Di lang malabo ang mata mo, bingi ka pa.” Sabi nya sa’kin at kunyari nagulat ko.       “Ano bang problema mo? Nakikinig ako sa professor oh.” Nagsulat ako ng sinusulat ng prof namin sa unahan.       “Burahin mo na kasi yung video. Mawawalan din naman yan ng bisa next week. Hindi mo magugustuhan kapag nagalit si Toby.” Bulong nya sa’kin.       Tumigil ako sa pagsusulat at tumingin sa kanya. “Ipapabugbog nyo naman ako? Akala nyo ba video lang ang alas ko? Oras na may mangyari sa buhay ko kayo kaagad ang huhulihin ng mga pulis. Kung bakit? Hindi ko na siguro kailangang ipaliwanag pa.” Ngumiti ako at bumalik sa pagsusulat. Syempre joke ko lang naman ang sinabi ko sa kanya. Hindi naman ako nagpablotter no. Mayaman sila at sa squatter area lang ako nakatira, scholar pa ako. Wala kaming pambayad sa abugado.       “Bahala ka miss. Wag mong sabihing di kita binalaan. Don’t mess with Toby dahil matatakot ka sa kaya nyang gawin.” Sabi nya tsaka sya bumalik sa upuan nya.       Wala ba silang alam gawin kundi manakot lang ng manakot ng mga inosenteng tulad ko? Walang maghahari-harian kung walang nagpapaunder. Kailangan maitigil na ‘to ngayon palang. Magpapasalamat din ang maraming tao sa’kin dahil sa ginawa ko. Matatahimik ang buhay nila kasi babaguhin ko ang patakaran na nakasanayan na nila.       Katulad na lang ngayon, maganda ang pakiramdam ko at wala akong takot maglakad dahil alam kong hindi ako mapapahamak. Kahit wala akong kaibigan, masaya pa rin ako. Aanhin ko ang kaibigan kung pansamantala lang naman at meron na rin naman akong kaibigang pangmatagalan.       “Kirra!” Lumingon ako sa tumawag sa’kin. Hindi lang ako makapaniwala na may ibang taong tatawag sa’kin at first name basis pa. Nakita ko yung babaeng sumusulpot na lang bigla. Ano nga ulit pangalan nun. Hindi ata sya nagpakilala. “You wonder how I know your name.” Sabi nya nang makalapit sya sa’kin. “You are sitting right next to Toby kaya tiningnan ko yung arrangement namin.” Ngumiti sya. “By the way, I’m Maya. I just want to thank you for standing up for me kanina. You’re so brave.”       Sinabayan nya akong maglakad. “Wala yun. Hindi lang talaga tama yung ginawa ni boy shades.”       “I admire you. Bago ka lang pero nakakausap mo na kaagad sila, lalo na si Toby.” Parang bigla syang nalungkot. “Pangarap ng maraming mapansin nya. Kaya kahit itulak nya pa ako at ipabully okay lang. Kung yun lang ang paraan para mapansin nya ako.”       “Ah eh baliw ka pala. Baliw lang ang gugustuhing mapansin nung boy shades na yun. Alam mo kung may gusto ka sa kanya wag mo na lang ituloy.” Kung magsalita ako akala mo ako si kupido.       “Bakit naman hindi? May gusto ka ba sa kanya?” Isang malakas na hagalpak lang ang naisagot ko sa kanya. “Kayo ba?”         “Duh! Kahit sya na lang ang nagiisang lalaki sa mundo hinding-hindi ko gugustuhing maging kanya. Hello! Ang gaspang ng ugali nya kasing gaspang ng pagmumukha nya!!” Gitil na gitil kong sabi.       “Hindi naman. Ang kinis kaya ng mukha nya.” Grrrrr! Sabunutan ko kaya sya. “Tsaka wag kang magsasalita ng masama against them. Kapag narinig ka ng fans club nila lagot ka. Baka di ka na makilala ng mga magulang mo.” Hindi naman ako natakot sa sinabi nya. “Alam mo bang ang pambubully dito ay hindi naman talaga nila inuutos. Kapag nakita ng mga fans ng The Legion na may nambadtrip sa mga idols nila ginagawan nila ng masama. Minsan nga walang alam ang The Legion sa ginagawa ng mga fans nila.” Bigla akong natahimik.       “Alam mo wala naman akong pakialam sa kanila. Mabuti pa mauna na ako sa’yo. May gagawin lang ako.” Ngumiti ako tsaka nauna sa kanya.       “See you later, Kirra!!” sigaw nya sa’kin.       Bakit bigla akong nakaramdam ng guilt? Hindi ko naman sila pinaparusahan ah. I just want to feel secure kaya ko itinatago yung video. Hindi ko naman yun ilalabas talaga.     Umupo ako sa waiting shed sa may field. Mag-isa lang ako dun kaya naman masarap sa pakiramdam. Iniisip ko yung sinabi ni – ano ngang name nun? Ugh! Hindi ko maalala ng biglang may ibong dumapo sa harapan ko. Ahhh Maya, sya nga pala si Maya.     Paano kung wala talagang kasalanan sila boy shades?       Duh, imposible yun! Kung wala silang kasalanan why bother to get rid of the video?     Sabagay nga naman. Syempre kung maiipit sila sa situation na wala silang kinalaman talagang matatakot sila. Nakakaawa naman pala sila.       Earth to Kirra! Are you hearing yourself? Kinakampihan mo ba sila?     Of course not!! Basta I want to be away from them as possible and I want to feel safe. As long as I have the video hindi nila ako magagalaw.       Sumandal ako at pumikit at nilanghap ang masarap na simoy ng hangin. Ang sarap mag-isa. Ang sarap imagining ang probinsya na pinanggalingan ko. Sana nandun na lang ulit ako. Sana kasama ko na lang ang mga totoo kong kaibigan. Yung kapag may vacant period naghaharutan lang kami. Masyado kaming masaya. Masyado ko na silang namimiss.       “HOY!” nagulat ako at nakita ko si boy shades.       “Ikaw na naman? Sinusundan mo ba ako? Sinasabi ko sa’yo gawin mo lang yung condition ko and we can all forget everything!” sabi ko sa kanya. Kasama nya rin ang dalawa nyang side kicks. “So is it three versus one?” tanong ko sa kanya and he just smirked. May inihagis syang folder sa harapan ko. “Ano ‘to? Pledge of commitment?”       “See for yourself.” Sabi ni boy shades.       Tiningnan ko ang folder at nagulat ako ng makita ko ang records ko dun. “Bakit meron ka nito? This is confidential!”       Yumuko sya at tumitig sa’kin. “Not to me.” He whispered. Tumayo sya at naglakad lakad sa harapan ko. “So, Kirra Imagen. Bukod sa panget ang pangalan panget din ang may ari ng pangalan.” Wow, ang kapal talaga ng mukha nya!! “Scholar student, may iningatang record, involve sa school organization and volunteer student.” Tumigil sya sa harapan ko. “And oh, you should not be involved in any trouble regardless of degree or else mawawala ang lahat sa’yo.” Umupo sya sa tapat ko. “Now tell me, kailan mo nga ulit ilalabas yung video. Please tag Mr. President.” Hindi ako makapaniwalang nagawa nya ‘to. Tumingin sya sa mga kasama nya at tumabi sa mga ‘to. “Ohhh, I’ll tag him myself. I really can’t wait for the disciplinary action for all of us especially what’s waiting for you.”       Tumayo ako at pinipigilan ko ang sarili kong umiyak. “Fine!! Sige, just to end this. Gusto nyo yung video!!” Tinanggal ko ang memory card ko at inihagis sa harapan nila. “Ayan, inyo na. Ipagkalat nyo!! Don’t worry buburahin ko na lahat ng copies na nasa akin. Sige, ipost nyo and please tag Mr. President!! Tutal ayoko rin naman sa school na ‘to. Ayoko sa lugar kung nasaan nandun kayo!!!!! Wala kayong mga puso!! Wala kayong mga kwentang tao!!!! ANong akala nyo mapapasunod nyo lahat sa gusto nyo? Makukuha nyo ang lahat ng gusto nyo!! Ito ang sasabihin ko sa inyo!! Mapapapasunod nyo ang lahat pero hindi ako!! Hinding hindi!!!” Kinuha ko ang mga gamit ko. “Siguro naman tapos na tayo dito. Wala ng dahilan para makipagusap pa kayo sa’kin. Nakuha nyo na ang gusto nyo!! Ayoko na kayong makita o makausap!!!!! Lalong lalo na ikaw! Ikaw ang pinakasinusumpa ko sa buhay ko!!! Hindi ako makakatagal makita yang pagmumukha mo!!! Isa kang halimaw!!” Itinulak ko sya ng malakas tsaka ako dumaan para umalis. Tumakbo ako papalayo sa kanila tsaka ako naiyak.       Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa’kin. Hindi naman ako ganito dati. Pero sila, wala silang kasing sama. Bakit nila yun ginagawa? Bakit nila ako pinapahirapan? Ang totoo ayoko naman talagang maalisan ng scholarship. Ayokong makadagdag pa sa isipin nila nanay at tatay. Pero alam kong ipagkakalat nila yun at mawawalan na akong scholarship. Siguro dapat tanggapin ko na lang at dapat sabihin ko na rin ng maaga sa mga magulang ko para hindi sila mabigla kapag napatalsik ako sa school.       Mabuti na rin na nangyari ‘to. Hindi ko na makikita ang tatlong yun. Hindi ko na sila makakausap. Hindi na ako masasaktan ng kahit na sino.       Nakaramdam ako ng lungkot. Pero hindi ko alam kung bakit. Ilang araw ko pa lang naman silang kilala pero parang iba na yung impact nila sa’kin?     Hindi! Dapat hindi ko ‘to maramdaman. Masama sila at hindi sila dapat kinakaibigan! Hindi ko sila mapapatawad. Hinding hindi!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD