27- Ang halik na nagsasabing mahal ko na sya KIRRA “Kirra! Kirra wait!” napatigil ako dahil may tumatawag sa’kin. “Hold up!” Si Ayesha pala ang natawag sa’kin. “Why are you here?” tanong ko sa kanya at hinihingal pa sya. Gosh ang gandang babae tapos nanakbo ng naka-heels. “I’m following you.” Sabi nya. “Bakit mo ako sinusundan?” pagtataka kong tanong. Napakapit sya sa’kin. “Wait, let me just catch my breath.” Tumayo sya ng ayos. “Well, I am following you because – ” tumingin sya sa paligid, “ – I have no one to talk to.” Halos mapa-tumbling ako sa sinabi nya. Yun lang ang dahilan nya tapos sinundan nya ako ng ganito? “Ayesha, maganda ka maraming magkakandarapang makipagusap sa’yo. Di ba nga sabi ko may phobia na ako sa tulad mo.

