26- Ano ba ang dapat? Ano ba ang tama? KIRRA Tinulungan kong tapusin ang lahat sa org tsaka ako umuwi at medyo gabi na rin. Nagpahatid ako kay Finn sa bahay nila boy shades at umuwi din naman sya kaagad. Bago ako pumasok sa loob napansin kong wala ang kotse nya. Hindi ko alam kung nasaan sya at hindi ko rin maiwasang hindi mag-alala. Oo nga narinig ko ang kwento ni Finn, pero paano naman yung side nya? Yun kasi ang mahirap, minsan akala natin alam na natin ang buong kwento pero ang hindi natin alam nagpakain tayo sa isang version ng story at ayokong maging ganun. Sinubukan kong itext si boy shades at nakatingin lang ako sa labas na parang inaabangan ang pagdating ng sasakyan nya pero nakatuloy na ako’t lahat hindi pa rin sya dumating. Tuloy lang

