12- POKE YOUR NOSE IN TOBY “May nakita kasi akong pagkain dun sa kusina na may pangalan mo kaya dinala ko dito.” AH hindi mali kasi baka hanapin nya yung pangalan. “Sabi ni yaya Nig hindi ka pa raw kumakain at pinadala nya ‘to.” Teka mali rin baka sabihin bakit hindi pa si yaya ang nagdala. “May sobra kasi dun sa kinain namin kaya pinagdala kita.” Hindi! Mali rin baka sabihin hindi sya nakain ng tira-tirahan! Ano bang dapat kong sabihin? Palakad-lakad ako dito sa harapan ng kwarto nya at nagiisip ng sasabihin. Magsorry ka kasi sinigawan mo sya. Bakit naman ako magsosorry wala naman akong ginagawang masama? Sinigawan ko sya kasi hindi appropriate ang suot nya sa harapan ng mga lalaki. Kasal

