13-WHEN I’M BORED DON’T BORE ME TOBY Ano bang ibig sabihin ng mga babae kapag nagtext ng “K”? Nakakabuwisit ‘tong babaeng ‘to ah. Akala nya ata pinaglololoko ko sya! Technically yes, kasi wala naman talagang bagyo! Fine! Pero kasi nag-aalala lang ako na baka mapahamak sya. Magagalit ang parents nya sa papa ko. Yun lang naman yun. Sige na lokohin mo na sarili mo, ayos lang. Wala namang makakaalam. “Wag mo na nga kasing pansinin.” Narinig kong sabi ni Kol. “Kasi para syang natatae. Tingnan mo nga parang sampung bulate na yung lumabas sap wet nya. Hindi alam kung saan uupo.” Sagot ni Caleb sa kanya at napansin kong mga nakatingin sila sa’kin. “ANO?!!!” sigaw ko sa kanila habang patingin tingin sa cellphone ko. “May sig

