COURT
Serenity Point of View
"I'm courting Serenity"
My head immediately turned to his direction with my eyes wide.
"Huh?"
He's courting me? Bakit hindi ko alam?!!!
Ako lang ata ang nililigawan na hindi ko alam.
Wait... How about Zhoey? Sila right?
"For real?" Shock na tanong ni Bree.
"Yep" Brix said while popping the 'p'
"Uhm- how? When? Why?" Hindi makaniwalang tanong ni Zhoey. "I thought—"
"I confessed my feelings to her before the incidents"
He confessed?
"Kapag ba pinasok ko ang mundo mo magiging bagay na kaya ako sayo? Mamahalin mo na din kaya ako?"
"Handa akong pasukin ang mundo mo Ms. Taray maging pabor lang sa atin ang tadhana"
Is he really serious?
"She looks clueless" Ani ni Zhoey.
"Pahirapan mo tong bestfriend ko Miss" Natatawang sabi ni Jared.
Saglit pa silang nag tagal,pinag usapan yung tungkol sa sinabi ni Brix bago umalis.
Tahimik kaming dalawa nang makaalis ang mga kaibigan niya.
"Nabigla ba kita?" He asked.
I don't know what to say..
Pagkarating naming dalawa sa condo ay inayos ko muna ang hihigaan niya bago pumasok sa kwarto. Okay naman na ang lagay niya kaya dinischarge na siya ng doctor. Buti na lang ay walang media ang nag aabang sa hospital dahil mga nasa 2:00 am ata kami lumabas sa hospital.
Nag request ako na ganun kami umuwi dahil para makasiguradong walang media na haharang.
Inalalayan ko siyang makahiga sa kama niya. Pinapanood niya ang bawat galaw ko kaya nailang tuloy ako.
"I like you"
I can't utter even a single word dahil sa sobrang gulat. I can also feel my blood rushing into my cheeks.
"Y-ou l-ike me?" Nauutal na tanong ko.
"I know i'm breaking the rule but I really like you Ms. Taray" Kinuha niya ang kanang kamay ko para hawakan.
"Handa akong pasukin ang showbiz magkaroon lang ng pag asa sayo. I can be your personal assistant, your driver, your bodyguard, your photographer, your happy pill just allow me to show you how much I like you"
"Uhm" I still don't know what to say. "How about Zhoey?"
"I thought I still love her but everytime na magkasama kami laging ikaw yung bukang bibig ko. Hinahanap ko yung presensiya mo kaya minsan kahit hindi pa tapos yung leave ko bumabalik agad ako para makasama ka. Nag seselos ako sa gross mo kahit alam kong wala akong karapatan."
Hinawakan ko ang mukha niya. Nakatingin siya sa akin, inaantay kung ano ang magiging sagot ko.
"Just promises me, no Zhoey in the picture"
"I promises"
Ilang beses na akong nag pagulong gulong sa kama pero hindi parin ako dinadapuan ng antok. Nag re- replay sa akin yung confession ni Brix.
Naka ilang sampal na ako sa mukha ko dahil baka nanaginip lang ako pero ng humapdi yung pisngi ko ay tinigilan ko na ang kabiliwan ko.
Nakapikit pa ang isang mata ko ng habang nag lalakad papuntang bathroom. Anong oras na ako nakatulog kagabi dahil sa confession na ginawa ni Brix.
Paglabas ko ng kwarto ay nalanghap ko agad ang mabangong niluluto ni Brix.
"Good Morning" I yawned.
"Morning Ms. Taray" Naka ngiti nitong bati. Hinanda niya yung ulam at friedrice sa breakfast table at nilagyan ng pagkain ang pinggan ko. Hindi naman niya kailangan gawin yun pero hinayaan ko na lang.
"Wait may bibigay ako sayo" Tumayo ito at pumasok sa kwarto niya. Kumain na lang muna ako habang inaantay siya. Natigil ako sa pagkain ng may nag lapag ng milktea sa tabi ng pinggan ko. Napatingin ako kay Brix at napa awang ang labi ko ng may hawak itong Bouquet Of Flowers or should I say bouquet of chocalates.
"For you" Sabi niya sabay abot ng bouquet of flowers s***h with chocolate. "I personally made it for you"
Hindi mawala ang ngiti sa mukha ko habang kinukuha sa kanya ang binigay niya.
"Thank you"
Pagkatapos naming kumain ay pinasok ko ang bigay ni Brix na bouquet of flowers/ chocolate.
Nilagay ko ito sa my day ko with the caption 'Thank you sa effort'
Hindi naman siguro mag iisip ang mga fans kung sino ang nag bigay ng flowers dahil lagi naman akong may my day na bigay ng fans o ano man.
Pagkalabas namin ng elevator at naka alalay lang siya sa akin hangang sa makarating kami sa kotse.
He opened the shotgun seat for me and putting my seatbelt on. He closed the shotgun door and walked to the other side of the car until he was already beside me.
"Ms. Taray smile" Clinick niya agad yung camera kahit hindi pa ako ready kaya naman tinarayan ko ito.
"d**k" I rolled my eyes on him pero tinawanan niya lang ako. Kinuha ko ang cellphone at sumandal sa dibdib niya.
"Smile" Ilang take pa ang ginawa namin bago kami umalis.