Chapter 17

741 Words
PAIN   Serenity Point of View   "Kapatid mo lang siya?" Agad na tanong ni Brix ng makaalis si Chaos.   Sasagot na sana ako ng may kumatok sa pintuan. Lumapit si Train para icheck kung sino.   "Ikaw pala orb. Pasok kayo"   Binuksan ni Train ang pintuan para makapasok ang bisita. Isang lalaking ang ganda pagmasdan dahil ang pungay ng mga mata. Napatingin ako sa babaeng kasama nito. She's pretty maybe her girlfriend?   Inabot ng lalaki ang dala niyang prutas kay Zhoey.   "Dumaan lang kami para bisitahin ka." Napatingin ito sa akin saka nag lahad ng kamay. "Chyster Silvestre"   Tinanggap ko ang pakikipag kamay niya saka ngumiti pabalik kahit na naka poker face lang ito.   "Hi I'm a fan" Pumunta naman sa akin ang babaeng kasama niya para yakapin ako. "Mhylez Pritz by the way" Nakangiti nitong pagpapakilala.   "Uhm couple?" Naiilang na tanong ko. "Oh sorry"   Mukhang nailang itong sagutin ang tanong ko dahil nag tinginan silang dalawa.   "Limang taon palang ang nakakalipas nagawa mo na agad siyang palitan, nice" Nakangising saad ni Jared. Napatayo sila Train, Carl, Bree at Chloe para pumunta sa tabi ni Jared.   "Please lang wag kayo dito mag away. Mahiya kayo kay Ms. Serenity" Si Zhoey ang umawat sa kanila.   Hindi ko alam kung ano bang dapat kong ireact dahil maski ako ay nagulat.   "Mauuna na siguro kami Brix, get well soon" Paalam ni Mhylez.   "Salamat sa pag bisita"   Pagkaalis ng dalawa ay hindi parin humuhupa ang tensyon.   "Let him, 5 years na rin ang lumipas. Hindi natin siya masisisi kung naka move on agad siya sa kaibigan natin" Seryosong saad ni Chloe.   "Why is it so easy for him to forget Klein? Habang ako nahihirapang gumising sa araw-araw dahil yung taong nakasanayan ko pag gising sa umaga ay wala na. S-ana ganun din kadali para sa akin" Napatakip ito ng braso ng may pumatak na luha sa mata niya. "S-ana ganun kadaling masanay na w-ala na siya"   Tinignan ko silang lahat. Si Carl at Train na parehang nakayuko habang si Bree naman ay yumakap kay Carl. Si Chloe na umiiyak na at si Zhoey na nakatingin kay Jared habang tumutulo ang luha. Huli kong tinignan si Brix na ngayon ay nakatakip din sa kanyang braso.   Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Dapat ba akong lumabas muna para makapag usap sila?   Inalis ni Brix ang pagkakatakip sa mata niya at pinunasan ang luha niya. Huminga siya ng malalim at nginitian ako para sabihing okay lang siya.   Naalala ko yung araw na huling beses ko siyang nakita. Tumakas lang ako para pumunta sa bar. Akala ko namalikmata lang ako na nakita ko siya dahil sa alak na nainom ko pero ng lapitan ko siya ay nakumpirma kong tama ako.   Umiiyak din siya that time kagaya ngayon.   Who's Klein?   Base sa pagkakatanda ko ay may kulang na isa sa kanila. Hindi ko lang maalala ang mukha niya pero baka siya yun.   What happened to her?   "Hohohoyyy cheer up. Hindi matutuwa nito si luvs kung makikita niya tayong umiiyak" Pag che-cheer ni Chloe kahit na may luhang pumapatak pa sa mata niya.   "Hindi pa ako patay pero iniiyakan niyo na ako. Buhay pa ako ano ba naman kayo, andito ako para dalawin niyo pero nag iiyakan kayo nakakahiya tuloy kay Ms. Taray" Pag bibiro ni Brix.   Tumawa ang mga kaibigan niya at isa isa siyang binatukan.   "Gago wala ng susunod kay Klein" Inis na singhal ni Jared. "Namatayan na ako ng Girl bestfriend wag naman pati ikaw na bestfriend ko"   Patay na si Klein?     "Joke lang naman, ikaw naman orb masyado kang seryoso" Pang aasar ni Brix.   "Sorry idle ang drama naming mag kakaibigan" Hingi ng pasensya ni Carl.   "It's okay" Nahihiya akong mag salita after ng nangyari. "Uhm lalabas muna ako para makapag usap kayo"   "Hindi na Ms. Serenity dito ka na lang. Marami ding media sa labas baka pagkaguluhan ka pa"   Nag nod na lang ako kay Bree saka bumalik ulit sa pagkakaupo.   "Dahil kumpleto tayo may sasabihin ako" Tumingin kaming lahat kay Brix, inaantay ang sasabihin nito. "Alam na to ni Carl at Train dahil nasabi ko na pero sa iba baka ngayon palang nila malaman"   "Tangina mo ako bestfriend mo pero ako hindi mo sinabihan" Masungit na sabi ni Jared. "Sa inyo ba ni Zhoey?" He asked but I see pain in his eyes.   "Kayo na?" Sunod na tanong ni Bree.   I didn't know why I felt a slight ache on my chest.     "I'm courting Serenity"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD