Chapter 2

933 Words
MS. TARAY & MR. DICK   Brix Stanlley Point of View   "Sige orb pababa na ako"   "Dalian mo nandito na kaming lahat"   "Oo na, nasa loob na ako ng elevator" Gumilid ako ng may pumasok.   "Yung mahal mo naka bikini ang daming tumitingin" Pang aasar pa ni Carl.   "Amputs, Bantayan mo nga yan" Naiirita kong sabi.   Alam ng madaming tao sa hotel nagawa pa talagang mag bikini. Buti sana kung kaming dalawa lang pwedeng pwede pero hindi e. Naknang tokwa naman!!   "Bantay sarado na ng bestfriend mo" Natatawa nitong sagot.   "Sige na bababa ko na daldal mo"   Napatingin ako sa kanan ko dahil parang may nakatingin at hindi nga ako nag kakamali dahil pag tingin ko ay nahuli kong nakatingin yung babae.   Iniwas agad nito ang tingin niya.   "You're ok now?" Hindi ko mapigilang mag tanong.   Tumingin ito ulit sa akin na naka taas ang kilay.   "Paki mo?" Mataray nitong tanong at inalis din agad ang tingin sa akin.   "Yung panyo ko?" Pag tatanong ko ulit.   Wala naman na talaga akong paki kung hindi niya ibalik yung panyo. Gusto ko lang talagang makita siyang napipikon.   "Tinapon ko" Sagot nito ng hindi man lang tumitingin sa akin. "Wait" Humarap ito sa akin at parang gulat.   "You don't know me?" Hindi makapaniwalang tanong nito.   Tinignan ko siya ng nag tatakang tingin. May kamukha siya pero hindi ko matukoy kung sino.   "Nah"   Tila naman natuwa ito sa sinagot ko na hindi ko siya kilala. "Great"   Mas lalo akong naguluhan sa kanya.   "Sino ka ba?"   "Hindi ako sinuka duh. I'm inire ni mommy" Naka taas kilay nitong sagot.    Hindi ba siya napapagod kakataray? Ako napapagod para sa kanya.   "Sige ikaw na lang si Ms. Taray" Nakangiti kong sabi sa kanya. Mas lalong umarko ang kilay niya. See suit sa kanya ang Ms. Taray   "And you naman si Mr. d**k"   Natawa ako sa tawag nito sa akin. Pwede namang Mr. Handsome o kaya Mr. Pogi mas bagay pa yun sa akin.   *Ting*   Sa wakas bumukas narin yung elevator. Pinauna ko munang lumabas si Ms. Taray bago ako sumunod.   Last day na pala namin dito sa palawan. Naabutan ko sa dagat sila Jared. Mga nag lalaro naman ang iba sa buhanginan.   Ang saya panoorin ng mga kaibigan ko. Ang saya panoorin ng babaeng mahal ko habang tumatakbo sa buhanginan habang nag tatakbuhan sila nila klein.   Napawi ang ngiti ko ng niyakap ng bestfriend ko ang babaeng mahal ko at binuhat ito papunta sa dagat.   "Mahal mo?" Napalingon ako sa gawi ko ng may nag salita. Si taray pala. Naka rush guard itong kulay pink.   "Ikaw pala yan Ms. Taray" Sabi ko dito at hindi sinagot ang tanong niya. "Ikaw lang mag isa di ba? Tara samahan kita" Pag aalok ko.   Tumaas na naman ang kilay nito para tarayan ako.   "Close ba tayo?"   "Hindi!" Natatawa kong sagot at hinatak ang kamay niya papunta sa dagat. Hindi naman ito nag matigas dahil nag pahila lang sa akin.   Pag karating namin sa dagat ay naka pamewang ako nitong tinignan.   "What now?" Yumuko ako para talsikan siya ng tubig. Napaiwas naman ito at masama akong tinignan.   Akala ko ay sisinghalan ako nito ng yumuko din siya para gantihan ako.   Tumatawa ito habang tinatalsik sa akin ang tubig.   Napatigil ako at pinanood siyang tumatawa. Mukhang napansin niya ang pag tigil ko at tumigil ito sa pag tawa. Balik na naman ang mataray nitong mukha.   Lumapit ako sa kanya para buhatin siya at dalhin sa hangang bewang ko na tubig. Tinatampisaw pa nito yung paa niya para makaalis sa akin.   "You d**k! Bitawan mo ako" Sigaw nito. Nang hangang bewang ko na ang taas ng tubig ay binitawan ko siya. "Fu—"   Tawa tawa ko itong tinignan. Pinunasan niya muna ang mukha niya pag kaahon at masama akong tinignan.   "f**k you d**k" Lumapit ako dito para pitikin ang ilong niya.   "Stop cursing. Ang ganda mong babae tapos kung mag mura amp" Masungit kong saway dito.   Ayoko sa babaeng nag mumura. Kaya nga pag mag kakasama kami nila chloe ay hindi sila nag mumura o walang nag mumura sa amin dahil yun ang paraan namin para respetuhin ang isa't isa.   Kaming mga lalaki okay lang pero hindi namin minumura pabalik ang mga kaibigan naming babae.   "Paki mo?" Mataray na tanong nito.   Iniwan ko siya para lumangoy. Pag ahon ko ay nandun parin si Taray sa pwesto niya kanina.   "You mad?"   Pilit kong hindi ngumiti sa tanong niya. Ewan ko ba ang cute niya lang tignan.   "Tara?" Pag aaya ko at nilapit ko ang kamay ko sa kanya. Taas kilay niyang tinignan ang kamay ko pero sa huli ay kinuha niya rin ito.   Lumangoy kaming parehas at tumigil lang ng parehas makaramdam ng pagod. Papalubog na pala si haring araw. Parang ang bilis naman ng oras.   Umupo siya buhanginan. Tumabi ako sa kanya. May kung anong sinusulat ito sa buhangin.   H A P P Y   "Thank you" Lumingon ako sa kanya. Naka yuko parin ito at pinag lalaruan ang buhanginan. "Thank you for making me happy"   "You're so beautiful" Hindi ko mapigilang ani. Gulat itong tumingin sa akin. Namumula pa ang pisngi niya. "You don't know how lovely you are" Mas lalong pumula ang mukha nito.   Cute amp!   "d**k"   Natawa ako ng marinig ko na naman ang tawag nito sa akin.   "Hangang kelan ka dito sa palawan?"   "Thursday" She answered.   May two days pa pala siya samantalang kami bukas ng tanghali aalis na.   "Tomorrow morning, scuba diving tayo? Mga 1:00 pm pa naman ang alis namin kaya may oras pa ako para samahan ka"   "Ok" Akala ko hindi siya papayag kaya laking gulat ko ng pumayag ito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD