UNANG PAGTATAGPO
Brix Stanlley Point of View
"Tara orb bonfire tayo" Pag aaya ni Jared.
"Tara, nandun na ba yung iba?" Pag tatanong ko.
"Pababa pa lang sila Klein" Sagot ni Carl.
Sabay sabay kaming apat na bumababa para sa inihandang bonfire.
Kasalukuyan kaming nasa palawan. Request ng tropa para kay Klein.
Nag request si Jared na kumanta si Klein, buti na lang ay may dala dala ang ibang guitara. Pagkatapos ni Klein ay ang ex naman niyang si Chyster ang sumunod.
Naki kanta rin si Jared, Mhylez at Zhoey. Hindi ko mapigilang tumingin kay Zhoey habang kumakanta ito. Seryoso ang mukha nito at parang ang lungkot lungkot ng mga mata niya.
"Let's play naman guys" Pag aaya sa amin ni Bree. Tapos na kasi ang kantahan.
"Game anong laro?" Na e- excite na tanong ni Chloe.
"Truth or Shot"
"How?" Pag tatanong naman ni Zhoey ng hindi maintindihan ang larong tinutukoy ni Bree.
"Ganto yun for example sayo tumapat yung bote tapos may itatanong sayo nasa iyo kung sasagutin mo yung tanong o iinom ka para hindi sagutin yung tanong" Napa ahh nalang kami lahat sa pag eexplain na ginawa ni Bree.
"Ano yung iinumin?" Pag tatanong ni Zhoey.
"That's the twist" Pag sagot ni Bree.
Agad na tumayo si Carl para kumuha ng bote at ng makakuha na ay agad niya itong pinaikot.
Tama lang kami ng tawa sa mga kalokohan na pinag gagawa ni Carl, Train at ang malupitang dare ni Klein.
The game was fun until the bottle stopped spinning and it pointed at me.
Si Mhylez ang mag tatanong ako naman ang sasagot.
Si Mhylez Pritz kaklase nila Klein. Mas ahead kami sa kanila ng isang taon dahil nag stop sila.
Hindi talaga siya kasama sa tropa pero dahil kay Chyster kaya kasama namin siya ngayon.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa magiging tanong ni Mhylez.
"Truth or Dare?" Nakangising tanong nito.
"Truth" Matapang kong sagot.
"Sa bilog na to may tao ka bang matagal ng gusto o mahal?" Pag tatanong nito.
Oh ow
Sa akin sila lahat nakatingin. Waiting for my answer.
Wala pa akong lakas loob na umamin.
Kinuha ko ang toyo at agad na nilagok. Napapikit pa ako dahil sa alat. Inabutan ako ng tubig ni Zhoey, nag pasalamat muna ako bago uminom.
Kung hindi mo kasi sasagutin yung tanong o gagawin ang dare mag sho- shot ka. Pipili ka lang sa toyo, patis, suka at iba pa.
"So means meron?" Seryosong tanong ni Klein.
"May nililihim tropa natin orb" Pag susumbong ni Carl kay Jared.
"Wag mong sabihin si Klein orb sasabog bungo mo" Kunwaring pananakot ni Jared sa akin.
"Gago tropa lang kami niyan ni Klein" Natatawa kong sabi sa kanya.
Mabait si Klein, Maganda halos lahat na nga nasa kanya. Pero pre talo talo ekis tayo diyan.
"Kung hindi si Klein edi si Chloe? O si Zhoey" Pinilit kong wag mag react sa pangalang binabanggit ni Carl.
" O kaya si Mhylez? Wag si Bree orb sapakan na lang din"
Napaka possessive ng gago. Ekis nga sa talo talo amp.
"Urur gago isa ka pa din saka ko na lang sasabihin pag may lakas ng loob na" Agad kong pinaikot ang bote para hindi na mapilit na sagutin kung sino man ang tinitukoy ko.
Halata naman sa kanilang gusto nilang malaman kung sino ang matagal ko ng gusto.
Siguro masasabi ko rin ang pangalan niya at darating ang araw na sasabihin ko sa lahat na mahal na mahal ko siya pero hindi pa siguro ngayon.
Dinadaga ako orb.
Alam mo yung feelings na sinusuportahan mo yung kaibigan mo para mapalapit yung mahal mo sa taong mahal niya?
Ganto yung nararamdamam ko ngayon dahil nag plano si klein ng date para sa dalawang taong malapit sa akin.
Ang bestfriend ko at ang babaeng matagal ko ng mahal.
Nakakatawa kasi isa ako sa mga tumulong para hindi mahalata ng babaeng mahal ko at ng bestfriend ko ang magiging plano.
Masakit pero wala akong magagawa.
Ang mahal ng babaeng mahal ko rin ay ang bestfriend ko...
Natapos ang date nila. Galit na galit siya dahil sa ginawa namin pero natigil din ng mabigla kami sa sinabi ni Klein.
Nag lakad lakad ako sa buhanginan. Hindi ko kayang makita ang babaeng mahal ko na umiiyak kaya naman lumabas muna ako para makalanghap ng sariwang hangin.
Umupo ako medyo malapit sa dagat. Tahimik na pinapanood ang alon at pag baba ni haring araw.
"Argh! Mommy Elaine nasa bakasyon ako please stop pestering me. —I'm in freaking vacation bakit hindi nila ma understand yun?— Aish fine"
Wala talaga akong balak pansinin yung maingay na babae promises wala talaga.
"Hey" Pag tawag ko dito dahil naririnig ko ang pag hikbi nito. Nag aalangan akong lapitan pero sa huli ay lumapit ako sa babae. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko buti na lang at may dala dala ako.
Kinalabit ko siya para mapansing tinatawag ko siya at para mabigay ang panyo.
Naka taas kilay itong tumingin sa akin.
Takte ako na nga nag mamagandang loob dre!
"Why?" Inis na tanong nito.
Nilapit ko pa sa kanya yung panyo para makita niya. Naka taas kilay niyang sinusuri yung panyo.
"Kunin mo na" Ako na nga nag mamagandang loob ayaw niya pa?
"Leave me alone d**k" Napataas ang kilay ko sa sinabi nito. Sa lahat ng ginagawan ng mabuti siya pa talaga yung mataray parin? Hindi pa pwedeng tanggapin na lang niya yung panyo tapos mag pasalamat. "I want to be alone. Bakit hindi niyo maintindihan yun?"
Ang taray amp!
Kinuha ko ang kamay nito at nilagay ang panyo.
"Stop crying. Kung ano man yan malalagpasan mo din yan. Chair up" Sabi ko dito sabay alis para bumalik sa hotel.