ALEXA POV Makalipas ang apat na araw, sa wakas ay makakauwi na ako mula sa halos isang taong pagkaka-hospital. Hindi lang isang taon dahil during my pregnancy ay nakaratay na ako sa hospital. At ngayon nga ay hindi matatawaran ang excitement at sayang aking nararamdaman. Sa wakas masisilayan ko na ang aking munting anghel. Sabik na Sabik na akong makita ang aking si Miragel. Ang aking anak. Ang munting anghel na bunga ng pagmamahal ko kay David, sa aking asawa. "Excited ka na?" tanong ni Kuya Josh. Ngiting-ngiti naman akong humarap dito bago sumagot. "Yes, super Kuya Josh," nabibikig ang lalamunan na sabi ko. Lumapit naman ito sa akin at saka ako inakbayan. Humilig naman ako sa balikat nito. Ang suwerte ko dahil may Kuya akong kasing guwapo at kasing bait nito. "Thank you Kuya f

