DAVID ANTHONY POV Paliko na sana ako sa pasilyo kung saan naroon ang kuwarto ng asawa ko nang mamataan ko si Josh na nasa may nurse station. Mukhang may pinag-uusapan sila. Agad akong naglakad papalapit dito. Mukhang nakita naman ako nito agad dahil mabilis itong nagpaalam sa Nurse at sinalubong ako. "David, finally you're here," ngiting sabi nito. "Ang asawa ko, kumusta?" tanong ko naman. Ngumiti naman ito at saka ako tinapik-tapik sa balikat ko. Sa halos isang taong pagkakakilala kay Josh, ay masasabi kong napakabuting kapatid nito sa asawa ko. Ni minsan hindi ito umalis sa tabi ni Alexa. At sobrang laki ng utang na loob ko sa Doktor na ito. Dahil aaminin ko na si Josh ang naging takbuhan ko sa tuwing kakainin nang takot ang buong pagkatao ko. Siya ang nagpapalakas ng loob ko, bu

