ALEXA POV Nagising ako sa pakiramdam na parang galing ako sa ilang araw na tulog. Muli akong pumikit nang makaramdam ng munting kirot sa aking likuran. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may sasakit pa bang iba pero thank God, dahil wala naman akong naramdaman. Muli akong nagmulat ng aking mga mata at inilibot ko ang aking paningin sa kuwartong kinaroroonan ko pero na realize ko na wala akong kasama. Mag-isa lang ako. Nakaramdam ako ng kahungkagan dahil doon, hindi na ba nila ako hinintay magising? Hindi na ba ako mahalaga sa mga buhay nila? Dahil sa hinanakit na lumukob sa puso ko, ay hindi ko na napigilang hindi maiyak. Ilang sandali ako sa gano'ng estado. Nang makaramdam ako ng uhaw ay tinangka kong bumangon pero agad din akong napabalik sa higaan ko dahil muling kumirot ang lik

