ALEXA POV Tatlong araw na mula nang magising ako, pero ni anino ni David ay hindi ko pa nakikita. Siguro nga wala na talaga siyang pakialam sa akin. Sabagay, bakit pa nga ba siya mag-aalalang bisitahin ako. Tapos na rin naman ang relasyon namin eh. Sabi nga ni Kuya Josh, ilang araw na akong natutulog. At kahit ngayong gising na ako hindi niya ako nagawang silipin man lang. Tanggap ko na, pero bakit ang sakit pa rin. Bakit umaasa pa rin ako na baka mahal niya pa rin ako, na baka kahit kaunti nag-aalala siya para sa 'kin. Hindi ko pakakasalan ang babaeng kagaya mo! w***e! Slut! Nag-uunahan sa pamamalisbis ang mga luha ko dahil bumalik sa isip ko ang mga sinabi nito. Hinayaan kong dumaloy ang masaganang luha ko. Hindi ako magpapaka-plastic na hindi ako nasasaktan, kasi durog na durog

