DAVID ANTHONY POV MATAPOS ang naging pag-uusap namin ni Alexa kanina, ay parang lutang na lutang ang pakiramdam ko. Hindi ko magawang makapag-isip ng maayos. Takot ako, walang pagsidlan ang takot sa puso ko. Alam kong napilitan lang siyang mangako sa akin para matapos na ang pag-uusap namin. Matapos kong lumabas mula sa kuwarto nito ay tumuloy ako sa maliit na chapel dito sa loob ng hospital. Kaya ko naman ang sarili ko kaya hindi na ako nagpahatid kay Dave. Iniwan ko sila ni Allison sa labas ng kuwarto ni Alexa. Gusto kong humiling sa Diyos, na 'wag niyang kukunin sa akin ang mag-ina ko, na bigyan Niya ako ng pagkakataon na makasama ang mga ito. Ayaw kong may mawala kahit sino sa kanila dahil pareho silang mahalaga sa buhay ko. Nang makapasok sa maliit na chapel ay dahan-dahan akon

