Chapter 22

3395 Words

Lumipas pa ang mga araw at hindi na ako muling nag tangkang sabihin kay David ang totoo. Natatakot akong baka magalit na naman ito. Wala naman na akong magagawa kung buo na ang loob nitong wag nang pag usapan. Kaysa naman mag away pa kami dahil dun. Kaya sige, wag na lang. Total tapos na din naman iyong kabanatang iyon ng buhay ko. Siguro nga tama sila, na hindi na dapat ungkatin ang mga bagay na tapos naman na talaga. Kahit si Allison ay pinayuhan na akong kalimutan na lang ang lahat. Na para sa akin ay mahirap kalimutan. Dahil nakatatak na puso't isip ko ang mga nangyari noon. Natapos ang bakasyon namin sa Farm at balik trabaho na ako. Walang flight si David pero hindi ko siya kasama ngayon. Maaga kasi siyang umalis sa bahay kanina dahil may meeting itong dadaluhan kasama si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD