Nagmulat ako ng mga mata ng pakiramdam ko ay may mabigat na nakadagan sa akin. Si David pala ang may gawa niyon, nakadantay kasi ang isang hita nito sa bandang tiyan ko. Kaya pala parang nabibigatan ako. Habang ang isang braso nito ay nakapulupot sa may baba ng dibdib ko. Napangiti ako ng maalala ko ang mga nangyari kagabi. Matapos kasi naming kumain kahapon ng tanghali ay hindi na ako nito ibinalik sa opisina. Ang sinasabi nitong pupuntahan namin ay sa isang orphanage pala. Dun ako dinala ng binata at aaminin kong sobrang masaya ako. Ang daming mga bata na nandun at mukhang close na close na sila kay David. Ayon pa sa kwento ni David, ay halos mag dadalawang taon pa lamang nang magsimula siyang tumulong sa orphanage na iyon. Ang hipag daw nitong si Zerra ang dahilan kung bakit niya n

