ALEXA POV Isang linggo na ang nakalipas simula nang magkabalikan kami ni David at masasabi ko na ito ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. At sa loob ng isang linggo na iyon ay hindi kami naghiwalay. Matapos naming makabalik mula sa Batangas ay dito na kami dumiretso sa condo niya. Hindi na niya ako hinayaan na kumuha ng ibang kuwarto dahil ang gusto nito ay sa unit nito mismo ako tumira. Na wala namang problema sa akin dahil mas gusto ko ang ideyang makakasama ko ito 24/7. Hindi ko gustong malayo pa rito. At muli kong naramdaman kung paano maging masaya sa piling nito. Walang pagsidlan ng saya ang puso ko sa tuwing gigising ako at ito ang unang mabubungaran ko. At sa tuwing matutulog ako ay ang mukha nito ang huling nakikita ko. One week, but my life was almost perfect. At dahil iy

