ALEXA POV Nang masiguro kong mahimbing na ang tulog ni David ay lumabas na ako ng kuwarto nito. Dahan-dahan pa ako para hindi makagawa ng kahit kaunting ingay. Mukhang naparami rin ang inom nito kagabi kaya parang antok na antok pa ito hanggang ngayon. Pagkalapat pa lamang ng pinto pasara ay do'n pa lang ako bahagyang nakahinga. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa ilang segundong pagpipigil na huwag huminga sa takot na magising si David at hindi na naman ako makaalis sa tabi nito. "Ay kabayong bukaka!" Gulat na gulat na sabi ko. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Paano ba naman ay biglang tumambad sa harap ko si Geila at Allison. Nakataas ang kilay ng dalawang bruha at nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa pintong nilabasan ko. " Sinong bukaka, hmm?" pilyang tanon

