KABANATA 2

1247 Words
Nakita ko kung paano umangat ang kilay n'ya kasabay ng isang pekeng ngiti na sumilay sa kanyang mga labi. Para bang hindi ito naniniwala sa sinabi ko. "Alam kong 'yan ang isasagot mo, Krystal." Malamig pa sa yelong sambit n'ya. "Karamihan sa mga bago ay sinasabing birhen pa sila nang sa gano’n ay tumaas ang presyo nila sa unang customer na sasamahan nila." May pagkasarkastikong dugtong pa nito. Ako naman ang napakunot ang noo sa narinig ko. Hindi ko napigilan ang panliliit ng mga mata. Alam kong mas malala pa ang pwede kong marinig at danasin, ang akala ko ay gano’n lang kadali pero hindi pala. Sabagay, mainam na gano’n ang akala niya. Sa lahat ng kasong hinawakan ko, ito ang pinaka-challenging. Sa role pa lang na dapat kong gampanan ay katakot-takot nang pagpapa-practice ang ginawa ko. "Siguro nga tama kayo, Sir. Pero siguro naman sa ganda kong 'to ay deserve ko naman ang malaking bayad, 'di po ba?" Naka-ngiti kong sagot sa kanya. Alam ko na mahusay ako sa ginagawa ko, sa katagalan ay nakaya kong maitago ang tunay na damdamin ko sa bawat taong makakasalamuha ko. Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa, at mula paa pabalik sa aking mukha. Hindi na bago ang gano’ng pangyayari sa akin pero sa kauna-unahang pagkakataon, nakaramdam ako ng pagka-asiwa sa paraan ng pagtitig n'ya. Gaya ng nakasanayan, naitago ko ang damdaming iyon at sa halip ay lalo pa akong nagpa-sexy sa harap n'ya. Pinapungay ko din ang aking mga mata at nakipagtitigan ako sa kanya. Hindi pa ako nakuntento at dahan-dahan akong lumapit sa mesa n'ya. Habang nakatitig sa mga mata nito. Maingat kong inilagay sa ilalim na bahagi ng lamesa ang sticky gum na nagpapalit ng kulay ayon sa kulay ng pinagdikitan nito. Isa itong hearing device. Nasa ilalim lang ito ng hinlalaki ko kaya naman hindi iyon mapapansin kung ang pagbabasehan ay ang paraan ko ng paghawak sa lamesan na ito. "Hindi ako basta nadadala sa isang titig lang, Sir. Baka naman gusto mong ikaw ang unang customer na samahan ko? Madali naman akong kausap." Malambing na sabi ko bago ko siya kinindatan. May kung anong dumaan sa mga mata nito subalit bigla rin iyong nawala. Isa lang ang alam ko, na gusto n'ya kung ano ang nakikita n'ya. Wala naman akong narinig na sagot mula sa kanya. Nakatitig pa rin s'ya sa akin na parang inaarok ang katotohanan sa mga salita ko. Hindi ako nagpatinag. . . "Gusto mo ba na umikot pa ako, Sir?" Tumayo ako nang tuwid. Hindi pa man s'ya sumasagot ay umikot na ako nang dahan-dahan. Sa totoo lang, hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang sexy. Pero kailangan kong alamin para dito. Masasabi kong may kalakihan naman ang dibdib ko, sinasabi din nila na may laman ang pang-upo ko at maliit ang bewang kaya nga ako ang napili nila sa role na ito. Medyo maputi at may makinis na balat, maamo rin daw ang mukha ko at may katangkaran. Hindi ako makapaniwala na gano’n pala ang sexy para sa mga kasamahan ko. Walo kaming magkakatrabaho at masasabi kong may kanya-kanyang ganda pero pinagpipilitan nilang mas angat ako sa lahat kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang tanggapin ang misyong ito. Kinailangan nga lang nila akong paturuan sa mga basic techniques kung paano maglakad ng sexy, dahil talagang panlalaki ang lakad ko mula pa noon. Ang pagsusuot ng sexy outfit, pagme-make-up sa sarili at pagsasalita ng may lambing. Kailangan kong matuto kung paano maging kabaligtaran ko! Pagharap ko sa kanya ay sa resumé ko na ito nakatingin. Balewala naman 'yon sa akin kahit pa nga medyo nasaktan ang ego ko. "You can start tomorrow and you can go now." Muli, isang malamig na tugon mula sa kanya. Lumabi ako bago tumango at nagpaalam na. "See you around, Sir," malambing na pahabol ko. Dumiretso ako palabas ng pintuan at sa labas nakita ko si Mila na ma-tyagang naghihintay. Napansin ko na may inalis ito sa kanyang tainga bago humarap sa akin. "Anong sabi n'ya?" masungit na bungad nya. "Pwede na raw ako mag-simula bukas." Kalmado at nakangiti kong sagot. "Gano’n ba." Patango-tango ito pero hindi maitatanggi ang pagkadismaya sa mukha n'ya. "Halika, sundan mo `ko at ituturo ko sa `yo ang mga bagay na kailangan mong malaman,” dominanteng utos nito sa akin. Agad ko naman siyang sinundan. Binuksan n'ya ang unang kwartong sa kasunod na pasilyong nadaanan namin. "Dito ang bihisan, may CR na din diyan. Lahat kayong trabahador dito ay may kanya-kanyang locker. Iyon ang sayo," Sabay turo sa bandang itaas. Nasa pinaka taas iyon na bahagi ng locker. Wala namang problema sa akin dahil kaya ko itong abutin.. "Pwede mong ilagay ang mga gamit mo dito at iwanan. O, heto ang susi." Paliwanag n'ya sa 'kin bago inabot ang susi. Inabot ko naman iyon agad at iginala ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Maluwag ang kabuuan nito. Halo-halo ang amoy ng pabango. Halos puro pambabae. May malalaking salamin sa tapat ng mga locker samantalang lagpas 50 ang bilang ng locker na nandoon. May sampu bawat hilera, hindi maitatangging mas marami ang locker sa mga trabahador na alam kong nandoon. Alam ko din na hindi basta-bastang nakakapasok dito. Pinapa-background check nila lahat ng empleyado na nag a-aplay bago pa man makatapak ang mga paa nito sa loob ng bar. "Huwag kang aalis dito, kukunin ko lang ang magiging uniporme mo." Ani Mila bago tumalikod paalis, ni hindi man lang hinintay ang sagot ko. Napaka-Maldita talaga. Nang mapansin kong malayo na ang yabag ng paa nito mula sa kwarto, agad kong binuksan ng locker ko at inilagay sa loob ang maliit na hearing device. Nakatago ito sa isang personalized na brush sa buhok na nakasilid sa isang maliit na shoulder bag. Sa pamamagitan nito, maaari kong marinig ang magiging usapan ng bawat trabahador dito. Kasalukuyan kong sinasara ang locker ng may tatlong babae ang pumasok, nagkukwentuhan sila pero saglit na napatigil ng mapokus ang atensyon nila sa akin. "Ikaw ba yung bagong waitress?" Tanong ng isang babae na medyo chubby, nakapang-waitress din itong suot. Ngumiti ako bago tumango. "Hi, ako nga pala si Krystal." "Mukhang may magiging kaagaw na si Ryza sa mga bigating kustomer natin." Nakangising sabi naman ng isang babaeng matangkad na payat. May hawak itong sigarilyo at nakatingin sa akin ng mariin. Di maitatangging entertainer ito sa suot na two piece. "Sinabi mo pa. Siguradong uusok ang ilong nun. Ako nga pala si Sugar, ito naman si Clea at Rina." Pagpapakilala ng pangatlong babae na bagamat medyo maliit at may katamtamang pangangatawan ay cute naman kung titingnan. Gaya ng nauna, mukhang waitress din ito. "Nice to meet you, all" kasabay ang hindi nawawalang nakapaskil na ngiti sa mga labi ko. Tumango naman silang tatlo bago nagsipasok ang dalawa sa loob ng CR, nagpaiwan naman si Rina, ang matangkad na babae, sa labas at nanalamin lang. "Dumating na pala si boss Henry!" Sabi ng isang babae sa loob ng CR. "Kanina lang daw, halos 2 weeks din yatang nasa business trip yun." Sagot naman ng isa pa. "Siguradong marami nanamang baon yun pabalik." Si Rina, habang inaayos ang kilay n'ya sa tapat ng salamin. Mataman lang akong nakikinig habang kunwa’y inaayos ang buhok ko. Napaisip ako! Ibig sabihin hindi si Henry yung nasa office na nag-interview sakin? Kung ganun, sino siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD