bc

INFINITY 8 SERIES 1: TASTE OF TERROR

book_age18+
13.3K
FOLLOW
45.4K
READ
spy/agent
independent
brave
twisted
bxg
mystery
city
office/work place
enimies to lovers
seductive
like
intro-logo
Blurb

⚠️WARNING⚠️

❕RATED 18+ ONLY❕

This story contains Violence, s*x abuse, raped, drugs and syndicates.

Please, read at your own risk!

BLURB:

Attractive, Seductive, at Maganda.

Ganyan kung ilarawan ng kanyang mga co-spy si Madeline De Leon aka Krystal. Dahil din sa karisma niyang iyon kaya siya ang napiling sumabak sa misyon kung saan kinakailangan niyang magpanggap na waitress sa isang pinaka-kilalang bar..

Ang buong akala niya ay droga at prostitusyon lamang ang kinakailangan niyang resolbahin sa lugar na iyon subalit may mas malalim pa palang sikreto ang kanyang matutuklasan.

Ang madilim na sikreto kung saan niya natagpuan ang matagal ng nawawalang kapatid at ang kalunos-lunos na kalagayan nito. Ang sikretong kaagad bumago sa plano at misyon ng dalaga...

Subalit paano kung sa paghihiganti niya ay humarang sa landas niya Christof? Ang lalaking tumatayong pangalawang lider ng matinik na sindikato at ang lalaking simula pa noong umpisa ay palagi nang matamang nakasubaybay sa bawat kilos niya...

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
KRYSTAL POINT OF VIEW "Sige nga, umikot ka." Inikot ko naman ang katawan ko ayon sa gusto ng matabang babae sa harapan ko. "Alam mo, mas kikita ka kapag nag-dancer ka,” pangungumbinsi n'ya sa akin. Mataman akong ngumiti sa kanya bago umiling. "Oo nga po pala, hindi din po ako sumasama sa costumer. Waitress lang po talaga ang gusto kong pasukin,” paninigurado ko. Napansin kong nangunot ang noo nito at ngumisi na parang aso. "Alam mo, Krystal. Hindi pwede dito ang maarte, alam mo dapat ang pinapasok mo. Sa itsura mo, imposible na walang mangulit sa amin na ilabas ka! Isa pa, virgin ka pa ba?" Mahabang paliwanag n'ya sa akin at inismiran ang huling tanong na ibinato n'ya. "Kung hindi po kayo papayag, pwede naman po ako lumipat sa ibang bar." Mahinahon kong sagot sa kanya. Bumuntong-hininga ito bago muling nagsalita. "Kung hindi ka lang maganda at kung hindi lang kikita sa iyo ang bar na 'to, baka sinipa pa kitang paalis!" Galit na sabi n'ya sa akin bago ito nagdabog paalis. "Halika! Sundan mo ‘ko,” pasigaw na pahabol n'ya pa. Napangisi ako at naiiling sa naging reaksyon ng babae. Alam ko naman na gano’n ang mangyayari, sadyang nakakatuwa lang din pala kapag pinapanuod mo kung paano umusok ang ilong nito. Naglakad ako nang marahan at sumunod sa babae. Habang naglalakad ay pinagmasdan ko ang kabuoan nito mula sa likuran. Maliit ito. Katunayan, hanggang balikat ko lang siya. May katabaan na kung tatantyahin ay nasa 80 kilos siguro ang timbang. Nasa late 40's na din malamang ang edad nito. Napansin ko habang kausap ito kanina na may hitsura naman ito. Maputi at makinis ang balat. Mapapansin nga lang na maitim ang paligid ng mga mata niya. Kung hindi dahil sa puyat, malamang ay sa bisyo. Tinungo namin ang daan kung saan nagkalat ang mga costumer, maingay at magulo. Kanya-kanyang babae at alak ang mga lalaking nandito. Hindi maiwasang hindi ako madagil ng ilang lasing na nadadaanan namin. Habang naglalakad, nakapako din sa akin ang mata ng karamihan sa kanila. Mapa-babae o lalaki man, bakas sa aura nila ang paghanga. Medyo mataas ang heels na suot ko at hapit na hapit ang skirt at crop top na suot ko. Sa loob ng tatlong buwan na pagpapa-practice kong magsuot ng high-heels ay nakasanayan ko naman itong suotin. Hindi nga lang ako kumportable lalo na sa suot ko na halos luwa na ang cleavage at pusod ko. Dahil sa may kataasan ang heels, kusang gumegewang ang balakang ko sa bawat paghakbang na tunay namang nagpaakit sa karamihan ng tao na naroon. Pinagmasdan ko ang kabuoan ng lugar, pamilyar naman ako rito pero iba pa rin kapag nandito ka na talaga. Maaamoy ang pinaghalu-halong usok ng sigarilyo at pabango ng iba't ibang tao na pumupuno sa lugar. Napako ang atensyon ko sa iba na abala sa foil na nasa harapan nila. May tatlong guard rin na armado at nakabantay sa pinaka main door ng bar. Malamang ay sinisiguro nilang walang makapapasok na pwedeng magdala ng gulo sa lugar. Hindi rin maikakaila na halos mayayaman ang customer dito kung ang pagbabasehan ay ang magagarang mga kotseng nakaparada sa labas. Napaigtad ako nang may biglang dumakot sa puwet ko. Nabigla ako pero pinilit kong kumalma. Hinawakan ko nang may kariinan ang kamay ng lasing na lalaki at inalis ito sa pagkakahawak sa aking pang-upo. Napangiwi naman ito ngunit tinangka pa muling hawakan ang dibdib ko pero nakalayo na ako kaagad. "Hey, b***h! I can buy you so don't try to run away from me!" galit na sambit ng lalaki. May katandaan na ito, mataba at medyo panot na ang tuktok na bahagi ng ulo nito. Wala akong imik na naglakad palayo pero humahabol pa rin ito kahit pa nga pagewang-gewang dahil sa kalasingan at minumura ako ng paulit-ulit. Agad napukaw ang atensyon ng babaeng kasama ko. Bumalik ito at pilit na pinakalma ng matandang nagwawala. "Forgive her attitude, Mr. Alejandro. As you can see, she's new and innocent,” narinig kong sabi nito sa matanda. "Really? Then I assume she will be mine." Biglang nag-ningning ang mga mata nito at masayang sumulyap sa akin. "We will talk about that, ok?" Kampanteng saad ng babae na agad namang sinang-ayunan ng matanda. Mayamaya pa ay naglakad na itong palapit sa akin at kaagad akong sinabihan na maglakad nang mabilis upang hindi na maulit ang nangyari. Tumalima naman ako, mas nilakihan ko pa ang hakbang ko. Sapat lang para masabayan ko siya sa kanyang paglalakad. "Good evening, Ms. Mila" Panabay na bati ng dalawang babaeng nakasalubong namin. Parehong naka-bra at panty ang dalawa. Mga dancer at entertainer. Mila pala ang pangalan n'ya. Sa sobrang sungit nya sa akin, hindi man lang ito nag-abalang ipakilala ang kanyang sarili. Tahimik na ang pasilyong tinutungo namin. Huminto ito sa tapat ng pinakadulong pinto at kumatok. Narinig ko ang baritonong boses mula sa loob na pinapapasok kami. Agad namang binuksan ni Mila ang pinto at pinauna akong pumasok. Maluwag ang kabuoan ng office na ito. May kumpletong mga gamit, mula appliances, sariling tulugan at palikuran. Bagama't open, ‘di maikakailang organized at maganda. Walang mapapansin na kakaiba. "So, it's you." Panimula ng lalaking nakatalikod habang nakaupo sa swivel chair. Tanging buhok lang nito ang makikita. Naintriga ako sa ganda ng boses niya, sa tinagal-tagal ng pagmamanman ko sa lugar na 'to. Ngayon ko pa lang makakaharap ang tunay na may-ari ng sikat na bar na ito. Masyadong madulas at misteryoso ang owner ng nasabing bar, masasabi ko na matalino at hindi siya basta-basta. "My name is Krystal,” magalang na pag-sagot ko sa kanya. Unti-unti itong humarap sa gawi ko, nakapormal itong kasuotan, naka-eyeglasses na akala mo ay isang genius. Malamlam ang mga mata, may katamtamang kapal ng kilay, at may kakapalang labi na bumagay naman sa awra nito. Isa lang ang naisip ko, hindi ito mukhang lider ng sindikato! Hawak nito sa kanang kamay ang resumé ko habang nilalaro ng kaliwang kamay n'ya ang ballpen at itinutuktok sa lamesang babasagin sa harap n'ya. "Pwede mo na kaming iwan pansamantala, Mila." Pagtataboy niya sa kasama ko. Bagama't halatang nagulat, mabilis naman itong sumunod sa utos ng lalaki. "Wala ka pa palang karanasan sa ganitong trabaho, Krystal. Sabihin mo nga sa akin, birhen ka pa ba?" Walang paligoy-ligoy na tanong n'ya. Nagulat man ako, siniguro ko na hindi niya 'yon kayang makita. Bilang isang cold-hearted na tao, nagawa kong itago ang pamumula ng mga pisngi ko mula sa mapagmanman niyang mga mata. "Yes, I'm still a virgin," taas-noong sagot ko sa kanya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.6K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.8K
bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.5K
bc

My Wife is a Secret Agent (COMPLETED)

read
326.1K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.2K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook