"Ate...ate…" bulong ng nahihimbing na si Krystal. Mataman lang siyang pinagmamasdan ni Christof, pabibiling biling ang ulo ng dalaga habang tinatawag ang ate nito, maya maya pa ay palakas na ng palakas ang boses ng dalaga. Nagulat pa si Christof ng tuluyan itong mapasigaw at pabalikwas na bumangon, butil butil ang pawis nito sa noo. Parang pagod na pagod din ang dalaga.. Sinapo nito ang buong mukha at isinubsob iyon sa mga nakatuping tuhod. Maya maya pa ay humihikbi na ito. Agad na nag-alala si Christof. Ang inaakala niya ay magagalit ito sa kanya pagkagising nito dahil sa pagsaksak niya ng pampatulog dito. Naintriga tuloy ang binata sa naging panaginip nito. Nakasuot na ito ng hospital gown ngayon pero mukhang hindi pansin iyon ng dalaga. Checheck-up-in daw mamaya ni Adolf kung maayo

