IV

1149 Words
"Hindi ko ginustong saktan ka, Ivy. Ang gusto ko lang maka sama yung taong mahal ko. Nagmamahalan kami Ivy... alam kong mali na hilingin to pero please... palayain mo na siya!" ... "I'm so sorry, Ivy. I'm very sorry. Ginago kita... sadyang hindi ko talaga mapigilan yung nararamdaman ko eh. Mahal na mahal ko sya." ... "Kasalanan mo kung bakit namatay ang papa mo, Ivy! Anong naging kasalanan namin sa Diyos para bigyan kami ng isang anak na tulad mo?!" ... "Miss, wag ka ng umangal. Umungol ka nalang! Bro, ayos na ayos to ah! Hahahaha!" ... "AHHHHHH!" Malakas na sigaw ni Ivy at marahas na napa bangon. Hingal na hingal siya at tagaktak ang pawis. Tumutulo ang mga butil ng pawis mula sa kaniyang noo hanggang sa kaniyang leeg. Basang basa na rin ang damit na suot niya at pati na rin ang kamang hinihigaan niya. Mariin siyang napa pikit at pinabilog ang kaniyang mga kamao. Nanginginig ang buong katawan niya. Parang gusto niyang mag wala. Gusto niyang manakit. Parang gusto niyang pumatay! Dalawang taon na ang nakalipas... akala nya nakalimutan niya na. Akala niya tapos na siya dito. Akala niya hindi niya na ulit mapapanaginipan ang mga bagay na iyon. Akala niya okay na siya...pero bakit bumabalik na naman ang mga alaalang na iyon na pilit niya na ngang kinakalimutan?! "Iha, Ivy?!" Napakurap si Ivy nang marinig ang tarantang tawag ni Lola sa kaniya mula sa iba. Di na siya nagulat nang may mag bukas ng pinto ng kwarto niya. Ramdam na ramdam kasi ang nagmamadaling yapak ni Lola sa kahoy na sahig. Taranta siyang dinaluhan ng matanda. Hinawakan nito ang kanang kamay niya at puno ng pag aalala ang kulubot na mukha nito. Kahit di niya gustong ngumiti sa oras na iyon ay pinilit niya pa din na ngumiti, "Lola, ayos lang po ako..." Sa loob loob niya ay pilit niyang pinakakalma ang sarili. "Iha, ang nangyaring iyon kagabi..." Marahas niyang binawi ang kamay niya mula sa pagkaka hawak ng matanda. "Wala! Wala lang ang bagay na yon!" Mabilis na sigaw niya. Nanlaki ang mata ng matanda at napa singhap. "Iha?" Di maka paniwalang tanong nito. Maging si Ivy din naman ay nagulat din sa inasal niya. Hindi niya na nakontrol ang emosyon niya. Bigla tuloy siyang naguilty kaya mabilis niyang pinalambot ang ekspresyon niya. "L-Lola, pasensya na po. Hindi ko sinasadyang pag taasan kayo ng boses. M-Magulo pa po kasi ang isip ko sa ngayon dahil sa nangyare..." Bumuntong hininga ang matanda, "Naiintindihan ko, iha. Aalis na muna ako para mapag isa ka. Ihahanda ko nalang sa ibaba ang umagahan mo." Hinaplos muna ng Lola ang buhok ni Ivy atsaka lumabas ng kwarto. Nang makalabas na ang matanda ay hindi na nga napigilan ni Ivy ang hikbi na pilit na kumakawala sa kaniyang bibig. Sa takot na baka marinig siya ng mga tao sa ibaba ay humablot siya ng unan at doon pinakawalan ang hagulgol niya. Sige pa, iha. Humigop ka ng maraming sabaw para naman bumuti ang pakiramdam mo." Hindi maiwasang mapangiwi ni Ivy. Paano ba naman kasi, pang tatlong mangkok niya na ng sabaw na to. Take note ha, malaki ang mangkok. Mabilis siyang napa tayo nang makitang sasalukan pa ulit siya ng matanda. "Salamat po, Lola! Okay na, busog busog na po ako!" Nagtataka siyang tinignan ng matanda, "Pero..." "Ma, hayaan mo nga siya. Hindi naman bata yan." Masungit na sabat ni Edmer. Nagluluto ang binata ng kung ano sa kusina ngunit tingin niya nagbabake ito ng sweets. Matamis kasi ang amoy ng niluluto nito. "Ano bang alam mo? Ikaw na lalaki wag ka ngang maki sali sa aming mga babae!" Mataray din na ganti ni Lola. Tila bored naman na nag ikot ng mata si Edmer ngunit hindi na ito sumagot ulit. May ngiti na bumaling si Lola sa kaniya, "Iha, ano bang gusto mong gawin ngayong araw? Pwede tayong maligo sa ilog. May fruit and vegetable farm din dito sa barrio namin, pwede natin tignan kung gugustuhin mo. May mga bundok din na malapit dito na pwedeng akyatin, kung gusto mo pwedeng pwede kang samahan ni Edmer." Dumilim naman ang mukha ni Edmer ng di oras, "Akala ko ba wag akong maki sali sa inyo?" Tila nagbabantang tumingin ang matanda sa anak, "Sasamahan mo siya. Hindi ba?" "Oo na." Sumusukong sagot naman ni Edmer. Hindi maiwasang ngumiti ni Ivy. "Ang totoo nyan, Lola. Gusto ko sanang humingi ng tawad sa mga kabataang natakot ko kagabi..." Panimula niya. Oo, gusto niyang humingi ng tawad sa mga binatilyong iyon. Umiral na naman kasi ang sakit niya kaya napag kamalan niyang sasaktan siya ng mga ito. Nakakahiya! Natakot niya pa ang mga kabataang iyon, pinag alala niya si Lola at naka abala pa siya ng isang mabuting tao. Natatandaan pa nun si Ivy na may isang lalaking dumating para tulungan siya. Nais niya din sanang hanapin ang taong iyon para magpasalamat. Nagtaka si Ivy nang tignan siya Lola na para bang tinubuan siya ng isa pang ulo. Maging si Edmer ay seryosong napa titig sa kaniya. "Humingi ng tawad? Iha, pinagka-tuwaan ka ng mga kabataang iyon kagabi. Kung meron mang dapat na humingi ng tawad, sila yun at hindi ikaw." Striktong sabi ng Lola. Napa kurap si Ivy sa matanda, "Hindi naman po nila sinasadya. Ako lang naman itong masyadong OA mag react..." "Sila Rick, Glen, Mateo, Kean, Nathan, Oliver, at William ay ang pitong kabataan na halos isuka na ng mga tao dito sa Barrio. Bakit? Dahil adik sa sigarilyo at alak. Nagnanakaw at Mahilig silang gumawa ng iba't ibang klaseng kalokohan." Detalyadong sabi ni Edmer. "Sa tingin mo ba ngayon lang nila ginawa yung nangyare sayo kagabi?" Taas kilay pang tanong nito sa kaniya. Nang marinig iyon ni Ivy ay nabigla siya. Kung gayon ay gawain na pala talaga ng mga iyon ang manakot sa daan tuwing gabi? "Nako huwag ka ng mag alala, iha. Ang pasaway na mga batang iyon ay nasa Opisina na ng Teniente del barrio, doon sila parurusahan." Napatango nalang din si Ivy. Kung totoo ngang puro kalokohan ang inaatupag ng mga kabataang iyon, nararapat lang na maparusahan ang mga ito. Nanlaki ang mga mata niya ng biglang may maalala siyang isang importanteng detalye. Kuryoso niyang tinignan ang matanda, "Lola, yung taong tumulong saakin kagabi...?" Hindi niya kasi matandaan ang itsura ng napaka buting tao na iyon. Ang tanging naaalala niya lang ay lalaki ito na mukhang nasa late 30's na ang edad. Nagliwanag naman ang mukha ng Lola at ngumiti na din ito sa wakas, "Aha! Mabuti na nga lang at nariyan si Fa--" "TAO PO!" Isang malakas na sigaw mula sa labas ng inn ang pumutol sa sinasabi ng matanda. "Sandali, ako na ang titingin sa labas." Tumayo si Lola at lumabas ng kusina. Nagkatinginan naman sila ni Edmer na siyang kasama niyang naiwan sa kusina. At hindi na nga siya nagulat pa ng sinamaan ulit siya ng tingin ng binata. Nagkibit balikat nalang si Ivy at di pinansin ang pagtataray ng binata sa kaniya. Mas gusto nga niya na masungit ito, sa ganong paraan ay kahit papaano ay panatag siya na walang mabubuong pagnanasa ang binata sa kaniya. Pero nabalik sa isip ni Ivy ang sasabihin sana ng Lola. 'Fa'? Fabio? Falcon? Ano kayang Fa yun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD