Mabuti nalang at maagang matapos ang monthly parish meeting nila kaya mula sa suot niyang itim na roba ay nagpalit si Aiden at nag suot ng white shirt, jogging pants at jacket na may hoddie at lumabas na sa Rectory para tumakbo.
He's planning to jog kahit quarter to 9 na ng gabi. Hindi kasi siya nakapag exercise man lang kanina dahil hectic ang naging schedule niya ngayong araw.
Binisita niya ang Parish school ng Barrio, nagkaroon din sila ng munting staff development meeting at may mag-asawa din siyang kinausap nang halos tatlong oras para sa marriage counseling. Idagdag mo pa ang monthly parish meeting nila na katatapos lang.
Gusto sana ni Aiden na tumakbo at magpapawis muna bago bumalik sa rectory para maging mas mahimbing ang tulog niya.
Habang nagjo-jogging ay may namataan si Aiden na kumpol ng mga tao. Hindi nga lang niya makita kung ilan sila o sino sino sila dahil madilim ang buong kalsada at ang ilaw lang na galing sa mga poste ang siyang nagbibigay ng konting liwanag sa paligid.
Napakunot ang noo niya nang mapag-tantong tila nagsisigawan ang mga ito. Ngunit hindi niya malaman kung ano ang eksaktong pinag-tatalunan nila kaya lumapit siya para malaman ang nangyayari.
"Hayop! Mga hayop! Mga baboy!"
Naging mas malinaw ang mga boses sa pandinig ni Aiden.
Nanlaki ang mata niya nang malaman na may babae pala na pinalilibutan ng mga nasa pitong mga binatang lalaki.
"Aba't--bro, gusto atang masaktan netong babaeng to!" Sigaw ng isa sa mga binatilyo at akmang pagbubuhatan sana ng kamay ang babae.
Takot na sumigaw ang babae at nagmaka-awa na wag itong saktan. Sukdulan ang panginginig ng katawan nito habang tinatago ang sarili sa mapayat na mga braso nito.
Hindi niya nakilala ang babae, kung nakatira ba ito sa barrio o isang dayuhan ngunit ang malinaw lang kay Aiden ay dapat may gawin siya.
Tumakbo siya ng mabilis papunta sa binata upang mapigilan ito sa nais na gawin.
Marahas niyang hinigit ang nakataas na palad ng binata.
"What do you think you're doing?" Malamig na sabi niya.
Yes, he is a priest and he knows that it's wrong but he gets angry too sometimes. And this scene of hurting a defenseless woman really made him lose his temper right now.
"F-Father Aiden..."
Naningkit ang mga mata ni Aiden nang tuluyan nang maaninag ng buo ang mga mukha ng pitong binatilyong ito. Hindi ba't ito yung mga pasaway na estudyante ng parish school?
Ilang beses na rin niyang naka harap ang bawat isa sa mga binatang ito para sa counseling sessions. Hindi na kasi sila makontrol ng kanilang mga magulang at pamilya kaya bilang padre ng kanilang parokya, siya ang hiningan ng tulong para intindihin at payuhan ang mga ito.
Nabalik si Aiden sa huwisyo nang biglang may yumakap sa bewang niya. Tila napako siya sa kinatatayuan dahil sa pagka gulat.
Paanong hindi siya magugulat?
Sa loob ng mahigit sampung taon, ngayon lang ulit may yumakap sa kaniya, lalong lalo na ang yakap mula sa kabilang kasarian. Hindi kasi magandang tignan ang ganoon lalo na't isa siyang pari, alagad ng Diyos.
Dahil mahigpit ang yakap sa kaniya ng babae ay ramdam na ramdam niya ang sobrang panginginig ng buong katawan nito. Nabasa na rin ang shirt niya dahil sa pag iyak ng babae sa dibdib niya.
Puno ng pagka takot ang mga mata ng babae nang bigla itong tumingala sa kaniya, "S-Sasaktan nila ako! Mga baboy sila!"
Napa hagulgol ang babae at mas humigpit pa ang yakap sa kaniya.
The situation right now was very inappropriate but Aiden felt compassion for the scared woman. Kaya naman hinayaan niya nalang ito sa pagyakap sa kaniya.
"H-Hey...it's okay. I'm here." He said softly and caressed her back gently while his left hand unconsciously went to her hair to comb it using his fingers.
On the contrary, his eyes turned at the 7 teenagers and looked at them coldly.
Masyado ng sumusobra ang mga binatilyong ito. Pinag-tulongan ng mga ito ang nag iisa at walang laban na babae. Ano bang pumapasok sa utak ng mga kabataan ngayon?
Padre, maraming salamat sa pag ligtas mo kay Ivy. Hindi ko alam kung paano pa kita mapapasalamatan." Halos maiyak na sabi ni Lola Teresita.
Pamilyar siya sa napaka-buting Lola na ito. Walang itong palya sa pag-punta sa mga mass tuwing araw ng linggo at bawat araw ng sabado ay palagi itong pumupunta sa Confessional ng Church para humingi ng tawad para sa mga kasalan nito.
Palagi kasi itong nag iisip na magpatiwakal ng sa gayon ay makasama na nito ang mahal nitong asawa na matagal ng yumao.
Umiling lang si Aiden sa matanda. Hindi naman siya ang nag ligtas sa babae. Ang Diyos ang nagtakda ng lahat, ang hectic schedule niya ngayon araw--ang pag jogging niya sa mismong oras din na iyon. Siya lamang ang nag-silbing instrumento kaya hindi tamang pasalamatan siya ng matanda.
"Kung hindi nyo mamasamain, maari ko bang malaman kung sino siya? Parang hindi siya taga rito sa barrio." Kuryosong tanong niya habang pinag-mamasdan ang babaeng mahimbing na naka higa sa kama. Nawalan kasi ito ng malay.
Kanina ay hindi niya makita ang itsura ng babae dahil sobrang dilim sa kalsada ngunit ngayon na nasa kwarto na sila. May sapat na liwanag kaya buo na niyang namasdan ang napaka-gandang mukha nito.
Maputla ang kompleksyon ng dalaga ngunit itim na itim naman ang mahaba at kulot na buhok nito. Matangos ang ilong, mahahaba ang mga pilik mata at manipis ang mga labi ng babae na parang napaka sarap patakan ng halik...
Nakaka akit ang alindog ng dalaga...
Tila isang diwatang inaaya siyang...
Aiden suddenly has the urge to slap his face.
Ano ba itong pinag-iisip niya?
Para mawaglit sa isipan niya ang alindog ng dalaga ay nilipat niya nalang ang tingin niya kay Lola Teresita na nakatayo din sa tabi ng higaan, namumula ang mga mata at kagagaling lamang sa pag iyak.
"Tama ka riyan, Padre. Si Ivy ay nang galing pa sa Maynila, andito siya para magbakasyon at magpa hinga. Unang araw niya pa lamang dito sa barrio ngunit ito na ang sinapit niya..." Napa iyak ulit ang matanda.
"Padre, ang mga kabataang iyon..." Panimula ni Lola Teresita, may galit sa mga mata nito.
Napa buntong hininga nalang si Aiden, "Ikalma mo ang iyong sarili, Lola. Ako na ang bahala sa lahat. Ang mga kabataang iyon ay mapaparusahan dahil sa ginawa nilang ito."
"Sigh, kung gayon ay panatag na ako. Maraming salamat sa tulong mo, Padre."
Tumango lang si Aiden at ngumiti, "Anong oras na rin at kailangan ko na ring bumalik sa rectory."
Akmang tatayo na sana si Lola Teresita upang ihatid siya ngunit umiling siya.
"Huwag mo na po akong samahan, mas kailangan ka niya dito."
Bago tuluyang lumabas sa kwarto ay lumingon mula si Aiden saglit upang sulyapang muli ang mala diyosang babae na mahimbing na natutulog.
Wala sa sariling napa higpit ang hawak niya sa sedura ng pinto at marahas siyang umiling.
Siguro... pagod lang talaga siya. Tama pagod lang sya...