II

1376 Words
Nang makarating siya sa ikalawang palapag ay napagtanto ni Ivy tatlo lahat ng silid na pwedeng tuluyan sa inn na ito.  Dalawang ipalapag lang kasi ang inn na ito at may tatlo siyang nakitang pinto kaya nag assume nalang siya na ganun nga. Anyway, yung kwarto niya ay yung nasa gitna. May naka sulat na No. 2 kaya binuksan niya ito gamit ang susi niya at agad na pumasok. Pag pasok ay hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at agad na inayos lahat ng bagahe niya. Damit, sapatos, tsinelas, at iba pang necessities like toothpaste, toothbrush, suklay at iba. Nais nya muna sanang mag pahinga at umidlip muna kahit saglit lang bago ang dinner. Sobrang tagal kase ng byahe at dalawang beses pa nga silang nasiraan kaya medyo masakit na talaga ang balakang niya kakaupo. Ang kaso lang matapos niyang ilagay ang pinaka-huling damit niya sa aparador ay sakto namang naka-rinig siya ng katok sa pinto ng kaniyang kwarto. "Ivy, iha? Andiyan kaba? Halikana at handa na ang hapunan." Mabilis niyang itinabi ang maleta niya na konti nalang ang laman, "Opo, susunod na po ako, Lola." "Osige, sumunod ka nalang iha. Huwag pag hintayin ang grasya." Bilin nito at nakaramdam si Ivy ng sunod sunod na yapak ng mga paa. Mukhang bumaba na ito ng hagdan. Ramdam pala pag may naglalakad sa ikalawang palapag. Sabagay, gawa kasi sa kahoy ang sahig. Matapos ayusin ang gusot sa kama ay lumabas na rin si Ivy. Bumaba siya ng hagdan at hinanap ang dining room kahit na di niya naman alam ang pasikot sikot dito sa inn. Di naman siya nabigo dahil agad niyang nahanap ang dining room. Paano? Dahil sa nakakatakam na amoy ng pagkain! "Lola, ang bango naman po ng niluluto nyo." Puri niya. Naka-ngiting nag angat ng tingin sa kaniya si Lola. Ito ang nag aayos ng mga plato at kubyertos sa parisukat na mesa na may apatang silya. "Naku, hindi ako ang nagluto para sa hapunan ngayong gabi. Pero syempre masarap din naman ang mga luto ko." Pag tanggi ni Lola ngunit di pa rin nito nakalimutang purihin ang sarili. "Hmmn. Ganun po ba? Kailan ko kaya matitikman ang luto nyo?" Pag sakay ni Ivy sa sinabi nito. Tumindig naman sa harap niya ang matanda at mahigpit na hinawakan ang magkabila niyang kamay. Medyo nagulat pa siya sa bilis ng matanda. "Hamo, bukas para sa umagahan, tanghalian, at hapunan, ako ang mag luluto! Isama mo na rin ang meryenda. Akong bahala!" Proud na sabi nito. "Ma, pwede ba? Hindi ka marunong mag luto." Singit ng isang boses sa usapan nila. Pareho silang napalingon ni Lola sa bagong dating na si Edmer. May hawak siyang tray sa magkabilang kamay na naglalaman ng mga pagkain na siyang pinagmumulan ng nakakatakam na amoy. Mabilis na kumilos si Ivy at kinuha ang isang tray mula sa binata. Baka kasi nahihirapan na ito. Mainit pa naman ang mga pagkain dahil bagong luto. Hindi naman nakapalag si Edmer dahil sa bilis niya kaya hinayaan nalang siya nito. Matapos niyang ibaba ang tray sa mesa ay pinag hila niya ng upuan ang matanda. "Mauna na po kayong umupo, Lola." Nakangiting sabi niya. Napangiti ang matanda ngunit napa-busangot din ito agad, "Hayy, salamat, iha! Buti ka pa! Tsk!" "Huwag kang maniwala sa kaniya ha? Magaling akong mag luto!" Bulong ng matanda sa kaniya nang maupo siya sa tabing bangko nito. Si Edmer naman ay nilapag na rin ang tray sa mesa at inayos ang mga putaheng niluto. "Oo, ma. Sa sobrang galing mong mag luto, halos mabaliw na si Papa sa pagtikim sa mga niluto mo." Masungit na sabi ni Edmer at umupo na rin ito sa upuan, katapat niya. Umasim ang mukha ng matanda sa narinig. Magagalit na sana ito nang nag umpisa ng mag sign of the cross at mag-dasal si Edmer kaya wala itong nagawa kundi ang manalangin nalang din ng taimtim. Pigil ang ngiti ni Ivy dahil sa kakulitan ng mag-ina. Mukhang magiging masaya ang dalawang buwang bakasyon niya dito! *** Naging matiwasay ang naging hapunan nila. Masungit ang binatang si Edmer ngunit napaka-kulit naman ni Lola. Ewan niya ba kung mag-ina ba talaga sila o hindi eh. Ang layo kasi ng ugali nila sa isa't isa. "Iha, huwag kang masyadong lumayo ha? Diyan diyan kalang sa tabi. Gabi na at baka mapano ka pa. Maliwanag?" "Opo, Lola. Tatandaan ko po yan!" Saad niya at lumabas na ng inn. Matapos kasi niyang tulungan ang matanda sa pagliligpit at paghuhugas ng pinggan ay napag-pasyahan niyang maglakad lakad at mag pahangin muna sa labas. Medyo mabigat pa rin kasi ang tiyan niya dahil masyadong napa sarap ang kain niya. Kasalanan ito ni Edmer, masarap kasi siya mag luto! Makalagpas ng tatlong kanto ay naisip na ni Ivy na bumalik sa inn. Masyado na kasi siyang napapalayo. Di naman sobrang layo dahil tanaw pa rin naman ang inn pero gusto nya na bumalik. Parang masama na kasi yung kutob niya. Halos lumundag siya sa takot ng may biglang humawak sa balikat niya. Nanlalaki ang mga mata niyang nilingon ang taong gumawa nun. Pero hindi pala ito mag isa. Madami sila. Isa, dalawa, tatlo... pito. Pitong mga lalaki at... at sasaktan nila siya! Napa atras siya at kinakabahang sumigaw sa mga ito, "W-Wag kayong lalapit! W-Wag kayong lalapit sakin!" Mas dumoble ang takot na nararamdaman niya nang bahagyang lumapit ang isa sa kaniya, "T-Teka, miss! Di ka naman namin sasaktan!" Napa upo siya at niyakap ang mga tuhod. Binaon niya ang mukha sa mga braso para di niya makita ang mga lalaking gustong manakit sa kaniya. Sobra ang panginginig ng buong katawan niya at di niya na napigilang mapahagulgol. "Miss, hindi ka naman namin sasaktan. Nagpa-prank lang naman kami..." Umiling iling si Ivy habang patuloy pa rin sa pag iyak, "Ahhh! mga hayop kayo! Huwag nyo kong lalapitan! Mga walang puso!" "Bro, baliw ata yan! Iwanan na natin yan!" "Teka, bro kawawa naman to, nanginginig na sa takot oh!" "Miss, ano ba?! Kung makaarte ka naman. Bakit may ginawa ba kami sayo?!" Inis na sigaw ng isa sa mga binata at marahas na hinatak ang kanang braso ni Ivy. Halos panawan ng ulirat si Ivy dahil sa ginawang pag hawak sa kaniya ng lalaki. Maka basag tenga siyang tumili, "Hayop! Mga hayop! Mga baboy!" Napupuyos na sigaw ni Ivy sa mga lalaki at tinulak ang humawak sa braso niya. "Aba't-- bro, gusto atang masaktan netong babaeng to!" Nagalit din ang lalaki. Itinaas nito ang palad at akmang sasampalin sana siya. "Ahhh! Pakiusap, wag!" Nanginginig na hinarang niya kaniyang braso para depensahan ang sarili. Pikit mata niyang hinintay ang masakit na sampal sa kaniya ng lalaki ngunit ang inaasahan niya ay hindi dumating. "What do you think you're doing?" Isang baritonong boses ang biglang nag salita. "F-Father Aiden..." Nanlaki ang mga mata ng mga kalalakihan at kumabog ang kanilang puso dahil sa kaba. Lalo na yung sasampal sana kay Ivy dahil siya ang mismong nahuli sa akto. Nagmulat si Ivy ng mga mata para malaman ang nangyayari at nakitang may isang matandang lalaki ang may hawak sa palad ng lalaking sasampal sana sa kaniya. May dumating para iligtas siya! Mabilis pa sa kidlat na tumakbo siya at tinapon ang sarili sa bisig ng matandang lalaking nag ligtas sa kaniya. Niyapos niya ang matipunong bewang ng lalaki at binaon ang mukha sa tila batong dibdib nito. Naramdaman ni Ivy na panandaliang nanigas ang buong katawan ng lalaki. Siguro ay dahil sa pagkagulat ngunit wala siyang pakialam. Natatakot siya at ang lalaking ito lang ang matandang lalaki, hindi siya nito sasaktan. Lumuluha siyang nag angat ng tingin sa lalaki at humagulgol, "S-Saktan nila ako! Mga baboy sila! Huhu!" Mas humigpit ang yakap niya sa lalaki at sigurado siya nabasa na ang white na tshirt nito dahil sa dami ng luha niya. "H-Hey...it's okay. I'm here." Marahan na sabi nito at dahan dahang hinimas ang likod niya. Ang isang kamay naman ng lalaki ay marahang sinuklay ang buhok niya. His chest vibrated when he spoke. His hands sturdy yet moving ever so gently para lang icomfort siya at naging malaking tulong ang ginawa nitong pag suklay sa buhok niya para kumalma siya. Ivy knew that this man is a good person and he's not going to hurt her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD