I

1492 Words
Napatingin si Ivy sa buong paligid. Lahat na yata ng nakikita niya ngayon puro green. Well, maliban sa waiting shed, kalsada at sa lupa. Punong puno kase ng matatayog na puno at mga pananim ang buong lugar. Medyo kabababa niya lang ng bus na sinakyan niya para makapunta sa lugar na ito and she's been waiting for about 10 minutes now. Di siya maka alis at maka pag tanong kasi di niya naman alam tong lugar na ito. Sandra's the one who arranged her vacation here at ang sabi pa nga nito ay may magsusundo sa kaniya dito. She gasped when a strong wind blew up her long wavy hair all over her face. Mabilis niyang inayos ang buhok niya dahil baka may makakita pa sa kahihiyan niya. "Miss Ivy Paladino?" Mabilis siyang napalingon sa biglang tumawag sa kaniya. Heto na yata ang sundo niya. "Ikaw po ba si Miss Ivy?" A grandma asked her again. Nasa late 50's na yata si Lola. May hawak pa nga itong tungkod para suportahan ang sarili. Bakit isang Lolang mukhang pagod na pagod ang pinag sundo sa kaniya ni Sandy? The heck! "Opo, ako nga. Kayo po ba si Tesa Misalano?" Magalang ngunit alertong tanong niya. Kahit naman matanda na ito ay hindi pa rin siya dapat basta bastang mag tiwala. Noong huli siyang nag tiwala sa isang estranghero ay napaka pait ng kinahantungan niya. Kumunot ang noo ng Lola, "Tesa Misalano? Hindi. Ako si Teresita Milano. Mali ata ang impormasyong nalalaman mo Miss Ivy." Napangiti ng magalang si Ivy dito. Sinadya niya talaga iyon. Kung sabihin nitong oo, siya si Tesa Misalano na imbento niya lang naman, malamang ay may balak na masama sa kaniya ang Lolang ito. Kunyari ay nahihiya siyang nag kamot ng ulo, "Ah ganun po ba? Di kasi matalas ang memorya ko. Pasensya na po kayo, Lola." "Oh eh ganun ba? Ako si Teresita Milano, ako ang susundo at maghahatid sayo sa titirahan mo. Huwag mong kakalimutan ha." Napangiwi naman si Ivy, "Okay po." Tumango ang Lola, "Oh siya, tara na't pumunta sa tutuluyan mo..." Nagulat si Ivy nang yumuko ang matanda para kunin ang maleta niya. "Lola!" Mabilis na inilayo niya ang maleta niya para hindi ito maabot ng Lola, "Ako na po ang bahalang mag-buhat sa bagahe ko, Lola." "Naku! Miss Ivy mukha lang akong matanda at uugod ugod pero malakas pa ako!" Pagmamayabang ng matanda. Hindi niya mapigilang mapa ngiti, "Kitang kita ko nga po Lola pero basta ako na po bahala dito." "Bahala ka. Kung iyan ang nais mo, Miss Ivy." Kibit balikat na sagot ng Lola at nag-lakad na sila papunta sa may lumang truck ng Lola. Buti nalang at may driver si Lola at tinulungan sila nitong ikarga ang maleta niya sa itaas ng truck. "Lola, wag nyo na po akong tawaging Miss. Ivy nalang po ang itawag nyo sa akin." "Sigurado kaba diyan? Ang iba kasi ay gusto tinatawag na miss o mister. Talagang kakaiba ka ha." Napailing siya, "Hindi naman po ako sila. Atsaka hindi po kumportable kung patuloy nyo akong tatawagin na miss. Napaka pormal po kasi." "Oh siya sige kung iyan ang gusto mo. Siya nga pala ito si Edmer. Siya ang nag iisa kong anak. Edmer, ito si Miss Ivy at sa atin siya tutuloy hanggang sa sasusunod na dalawang buwan." Oh my, anak pala ito ng Lola. Napag-kamalan niya pa tuloy na driver. Binatilyo pa kasi ang itsura nito kaya hindi talaga halatang anak ito ng Lola.  Tinitigan siya ni Edmer at walang ekspresyon itong nag lakad ng kamay. "Ako si Edmer Milano. Kinagagalak kitang makilala..." Tinitigan lang ni Ivy ang nakalahad na kamay nito. Hindi naman sa ayaw niyang makipag kamay sa binata ngunit sadyang minsan ay may trauma lang talaga siya sa haplos ng ibang tao lalo na sa mga lalaki. Minsan okay naman. Minsan parang halos mabaliw na siya. Ayaw niya lang na maging weird ang tingin sa kaniya ng Lola at ng binata. Magkakasama pa naman sila ng matagal na panahon. Awkward naman kung bigla siyang layuan ng mga ito dahil baliw siya diba? Napa taas ang kilay ni Edmer sa kaniya, "Hindi ba't ito ang madalas na paraan nyo ng pagpapakilala sa syudad?" Winagayway nito ang naka lahad na kamay. Tila natauhan naman si Ivy, "Ah, sorry! Hindi lang kasi ako mahilig sa ganyan. Huwag mo sanang masamain." Awkward man ay pinilit niya pa rin na ngumiti sa binata, "Ako si Ivy Paladino. Ikinagagalak din kitang makilala, Edmer!" Napakurap siya nang mas lalong tumaas ang kilay ni Edmer sa kaniya tapos ay walang pasabi itong pumasok at umupo na sa driver's seat ng truck. Okay? What was that? "Naku, pag pasensiyahan mona yang batang iyan. Napaka bugnutin lang talaga pero mabait naman yan...minsan." Natatawang saad ng Lola. Nakitawa nalang din si Ivy at kinalimutan na ang tagpong iyon. Sumakay na sila sa truck at tumungo na sa Inn na pag mamay-ari ng pamilya ng Lola at ng binata. *** "Lola, gaano na po katagal itong inn nyo?" Hindi mapigilang itanong ni Ivy. Lumang luma na kasi ang mga furniture dito sa bahay. Antigo na kung baga. Hindi naman sa halos masira na, sadyang ang weird lang tignan, tulad ng mga sofa nila sa lobby. Sobrang outdated na ng style o baka naman sadyang sanay lang siya sa karangyaan sa syudad? "Matagal tagal na rin mag mula nang una naming itayo itong inn kasama ko pa ang mahal kong asawa noon. Mga dalawampung taon na rin ang nakalilipas." Sagot ng Lola sa tanong niya. Pumunta ang Lola sa Reception counter at may kung anong hinanap sa ibaba. Hindi niya makita kung ano kasi natatakpan na ng counter. "Ah ganun po ba? Edi nasan na po si Lolo?" Kasunod na tanong niya habang nililibot ng tingin ay paligid. May mga painting din na naka display sa wall at may mga figurines din na naka display sa mga estante. Gulat siyang nagbalik ng tingin kay Lola nang tila may natabig itong bagay. Basag! "Lola! Ayos lang po ba kayo?" Napa bitaw siya sa maleta niya upang lapitan ang Lola. Umiling naman ang Lola bilang sagot, "Oo, ayos lang ako. Aksidente ko lang na natabig itong pigurina. Pasensya na at natakot pa kita." Akmang yuyuko pa ang matanda para pulutin sana ang piraso ng babasaging pigurine. Napasinghap si Ivy sa niyerbyos. Naku baka masugat at mabubog pa ang matanda! Yumuko siya upang tulungan ang matanda sa pag pupulot, "Lola, ako na po--" "Hindi. Ako na." Sabay silang napa lingon kay Edmer na mukhang handang handa. May hawak na kasi itong dust pan at walis. Marahil ay narinig din siya mula sa labas. Pinarada niya kasi yung truck kaya nahuli siya kaysa sa kanila. Inakay niya nalang palayo si Lola upang mas malinis ng mabuti ni Edmer ang mga bubog at nang wala ng matira. Mahirap na baka may mabubog pa nyan mamaya. Nang mawalis ay agad niya itong tinapon sa trash bin at binalik ang dust pan at walis sa lalagyan ng mg ito. Nabigla si Ivy ng samaan siya ng tingin ng binata. "Wala na ang papa. Pwede bang kunin mo nalang ito at umakyat kana?" Sobrang sungit ng mukha nito at padabog pang binaba sa counter ang susi ng kwarto niya. Tapos ay pamartcha itong nag lakad paalis. Dahil sa sinabi ng binata ay napag tanto niya na ang lahat. Mukhang nagulat si Lola nung tinanong niya kung nasan si Lolo. Yun pala ay wala na ito. "Ako na ang humihingi ng dispensa sa inasal ng anak ko, Ivy. Hindi kasi yun sanay maki halo-bilo sa ibang tao ngunit hindi naman siya masamang tao." Nahihiyang umiling siya sa matanda, "Ako nga po ang dapat humingi ng tawad. Masyado kasi akong matanong... uhh, kalimutan nyo nalang po ang tanong ko." "Naku, matagal ko ng tanggap na wala na saamin si Frederico pero minsan ay hindi ko pa rin maiwasang mangulila sa kaniya." Napa buntong hininga ang Lola. Hindi na naka sagot si Ivy dahil hindi na rin niya alam kung pano at ano ang dapat niyang sabihin. Kasi alam din niya. Alam niya na kahit gaano pa kabango ang mga salita, walang kahit na anong makakapag -pawala ng sakit pag ika'y nawalan. Alam na alam niya ang pakiramdam non. Nabalik siya sa huwisyo nang abutin ng matanda ang kamay niya at may inilagay na kung ano doon. Nagtataka niyang tinignan ang nakangiting mukha ng Lola. "Sariling recipe namin yan ng mahal kong asawa. Tikman mo, masarap yan." Pagmamayabang ng matanda. Nang tignan niya ay isang tsokolate pala ang binigay ng Lola. Naka balot sa simpleng wrapper na walang kahit na anong disenyo. Napangiti siya habang tinitignan ang mga tsokolate. "Thank you po, Lola!" "Naku, maliit na bagay! Oh siya umakyat kana sa kwarto mo at alam kong pagod ka din sa byahe. Tatawagin nalang kita sa oras na ng hapunan." Magalang siyang tumango. Nagpasalamat ng ilang beses pa atsaka na umakyat para pumunta sa kaniyang kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD