TUMINGIN si Denim kay Finn sa ibaba. Nakatayo ito sa dugong naiwan ni Eton sa kalsada. Tinangka ni Finn na tumalon para siguro sundan sila, pero hindi ito nakakilos kaya napatingin ito sa mga paa. Nanlaki ang mga mata ni Denim nang makita ang nangyayari kay Finn: mabilisn na nagiging yelo ang dugo ni Eton at binabalot niyon ang mga paa ng best friend niya! Ilang segundo lang, nabalot na ng yelo ang mga paa ni Finn hanggang sa baywang nito, kaya hindi na ito makaalis sa kinatatayuan! Umangil si Finn na parang galit na galit, pagkatapos ay nilabas nito ang mahahaba at matatalas na kuko, saka nito sinubukang basagin ang yelo sa katawan nito. "Finn!" nag-aalalang sigaw ni Denim. Sinubukan niyang tumalon mula sa pagkakakarga sa kanya ni Eton, pero mas hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kany

