SUMALUBONG kay Eton si Denim na nakaupo sa likod ng mahogany table at nakapalumbaba. Hindi niya aaminin, pero nagulat siya nang makita ang simpleng ayos ng babae ngayon, malayo sa nakasanayan niyang magagarang bestida at makapal na koloreteng nakasanayan niyang makita rito. Nakalugay lang ang mahaba nitong buhok at wala ring "make-up." Parang natural naman ang pamumula ng mga pisngi nito at ang mahahaba nitong pilik na dahilan kaya mala-manika ang maliit nitong mukha. Kaswal din ang damit nito. Because of her simplicity today, her youthful and natural beauty seemed to glow even more. Damn! Ano ba 'tong pinag-i-iisip ko? Ngumiti si Denim nang makita siya. "Hello, baby boy. I'm glad to see that you're fully recovered now." "Stop calling me that," naiinis na saway ni Eton kay Denim, saka n

