24th Confrontation

1163 Words

PINAGSALIKOP ni Denim ang nanginginig niyang mga kamay. Habang papalapit sila sa Sta. Elena, ang bayan sa Bulacan kung nasaan ang private hospital na pupuntahan nila, lalo siyang kinakabahan. Napapaligiran na sila ng mga nagtatayugang puno na mas lalong nagpadilim sa paligid. Bukod sa malalim na ang gabi, liblib din ang lugar kung saan nakatayo ang ospital. Para ngang nasa kakahuyan sila sa dami ng puno at mga paniking tumatama sa salamin ng sasakyan. Kanina ay may nadaanan pa silang mga kubo. Pero ngayon ay wala na silang kasabay na sasakyan sa malubak na kalsada. "Kung natatakot ka, nagpaiwan ka na lang sana sa ibang lugar," sabi ni Eton na nagmamaneho ng mga sandaling 'yon. "Sa kasalukuyan naman, papunta na rin ang squad namin sa binigay mong address ng ospital. Makakasiguro kang mail

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD