"TEAM, meet Lilac Alonzo, the new member of our squad."
Ngumiti si Lilac ng matamis kahit na pamilyar na mga mukha ang sumalubong sa kanya na nagpapakaba sa kanya: ang maganda at mala-supermodel na babaeng may mapusyaw na buhok, ang payat na lalaki na mukhang college drop-out, ang maskuladong Bloodkeeper na nakasimangot at nakaka-intimidate, at 'yong guwapong half-half na medyo hawig at ka-height pa ni Tyrus.
"Lilac, meet the Keepers you knocked down," pagpapatuloy ni Tyrus.
Nawala ang ngiti ni Lilac. Nilingon niya si Tyrus na nakatayo sa tabi niya para bigyan ito ng masamang tingin. Pero ang buwisit na half-half, busy sa pagpapakilala sa kanya ng mga kasamahan nito. Hindi niya alam kung nagbibiro lang ito o ano dahil seryoso ang mukha at boses nito.
"Hyacinth," sabi ni Tyrus, saka tinuro ang nag-iisang babae sa grupo. "Onyx," dugtong nito na ang tinuro naman ay 'yong lalaking masama ang tingin sa'kin. "Saffron." Tinuro naman nito 'yong cute guy na mukhang estudyante pa. "And my twin brother, Eton."
Napatitig si Lilac kay 'Eton.' Ah, kakambal pala ito ni Tyrus kaya malaki ang pagkakahawig ng dalawa.
Only Eton looked more mature because of his day-old stubbles, "sharp" high cheekbones, and more muscular built. Pero ang mga mata, tangos ng ilong, at hugis ng mga labi ay kahawig ng kay Tyrus.
Twins...
Naging malungkot ang ngiti ni Lilac nang maalala niya si Marigold. Hindi man sila magkamukha ng kanyang kakambal, wala namang makakapantay sa koneksyon nila. Her twin sister was her soulmate, and she still will be even when she was already gone.
"Lilac?" untag ni Tyrus sa kanya. "Are you okay?"
Mabilis na binalik ni Lilac ang masigla niyang ngiti, saka siya tumango. Pagkatapos ay lumapit siya kay Hyacinth at dinikit ang palad niya sa noo nito na halatang ikinagulat nito. "Hello, team. Sorry sa nagawa ko dati." Lumipat naman siya kay Saffron at dinikit ang palad niya sa noo nito na ikinatawa lang ng lalaki. "I hope we get along well." Tumingkayad siya para maabot naman niya ang noo ni Onyx na medyo nilakasan niya ang pagtapik sa noo na ikinasinghal nito kaya mabilis siyang lumipat sa harap ni Eton na binibigyan siya ng nagbabantang tingin. Mas nilakihan niya ang ngiti niya. "Please take care of me," sabi niya, saka niya mabilis na dinikit ang palad niya sa noo ni Eton bago siya tumakbo pabalik sa tabi ni Tyrus.
Napansin niyang kakaiba ang kinikilos ni Tyrus dahil nakahalukipkip ito at nakatakip ang kamay sa bibig. Idagdag pa na parang hindi ito makatingin sa kanya.
Sina Hyacinth, Onyx, Saffron, at Eton naman, binibigyan ng hindi makapaniwalang tingin si Tyrus.
"May problema ba?" nagtatakang tanong ni Lilac.
Mabilis namang dumeretso ng tayo si Tyrus at inalis na ang kamay sa bibig nito nang harapin siya. "Wala pa kaming Helper sa ngayon kaya pasensiya ka na kung walang makakapaghatid sa'yo sa kuwarto mo. Pero alam mo naman na kung saan ka pupunta, 'di ba?"
Tumango si Lilac. Habang naglalakad sila ni Tyrus papunta sa malaking mansiyon, nasabi na nito sa kanya ang sitwasyon at kung saang kuwarto siya mag-i-stay. "Oo. Kaya ko na ang sarili ko. I'm not a child."
"Good," kaswal na sagot ni Tyrus, pagkatapos ay dinukot nito sa bulsa ng pantalon ang kung ano. "Nakalimutan kong isauli sa'yo 'to."
Nilahad ni Lilac ang palad niya nang senyasan siya ni Tyrus. "Ano 'yan?"
Himbis na sumagot, nilagay lang ni Tyrus sa kanyang palad ang bagay na gusto nitong isauli sa kanya.
Napasinghap si Lilac nang makita ang kuwintas ni Marigold. Pero sa pagkadismaya niya, wala na ang ulo ng unicorn. Tanging ang silver horn na lang ang natira. "Ito na lang ba ang natira sa kuwintas?"
Tumango si Tyrus. "Hindi suot ni Marigold ang kuwintas na 'yan. My brother found the necklace under the sofa. Hindi nila nakita kahit saan ang unicorn pendant na sinasabi mo."
Nalungkot si Lilac. Siguro, nasira ang kuwintas habang nakikipaglaban si Marigold. Ngayong kalmado na siya, saka niya lang naalala na sobrang gulo ng condo ng kakambal niya ng araw na 'yon.
"I'm sorry," biglang sabi naman ni Eton kaya napalingon siya sa lalaki. "Hinanap ko sa buong condominium building ang unicorn pendant na hinahanap mo, pero 'yang sungay lang ang nakita ko."
Building? Napangiti si Lilac at umiling. Sinara niya ang kamay niya sa hawak niyang silver horn. "This is more than enough. Thank you, Eton."
Tumango lang si Eton, wala pa ring emosyon.
Humarap uli si Lilac kay Tyrus na napansin niyang nakatitig na naman sa kanya na parang pinag-aaralan siya, kaya ngumiti siya. "Nabanggit mo kanina na may meeting kayo. Aakyat na ko sa kuwarto ko. Don't worry about me." Nilingon niya sina Eton, Onyx, Saffron, at Hyacinth na parang mga estatwa sa sobrang tigas at deretso ng pagkakatayo. No'n lang din niya napansin na parang sundalo pala ang mga ito na nasa likuran pa ang mga kamay. Lalo tuloy lumuwang ang ngiti niya. "See you later, guys."
Nang walang sumagot sa kanya, nagkusa na siyang umalis. Dumeretso siya sa grandstaircase bitbit ang backpack at maleta niya. Malakas naman ang katawan niya kumpara sa normal na babae kaya madali lang para sa kanya ang akyatin ang hagdan habang may bitbit na mabigat.
Nang makarating siya sa second floor, dineretso niya lang ang pasilyo hanggang sa makarating siya sa pinakadulong kuwarto na may double mahogany doors. Ginamit niya ang susi na binigay ni Tyrus sa kanya kanina, saka siya pumasok sa loob.
Wow. The bedroom was bigger than her studio-type apartment. For real.
Sumalubong sa kanya ang king sized bed na may apat pang poste at may eleganteng "kumot." Malaki rin ang bintana. In fact, there were pillows on the windowsill as if she was being invited to read a book by the window. From where she stood, she could also see the balcony that probably led to a beautiful view.
Pero ang pinakanagustuhan niya ay ang pakiramdam na ligtas siya sa mansiyong 'yon.
I wish you had the same protection I'm getting, Marigold.
Naging emosyonal na naman si Lilac nang maalala si Marigold. Napaluhod siya sa sahig at niyakap ang kuwintas ng kakambal na ginawa niyang bracelet. "I already miss you, Marigold. Sana marinig ko uli ang boses mo..."
Boses?
Umurong ang mga luha ni Lilac nang maalala ang silver horn ng unicorn pendant ni Marigold ay isang voice recorder! At kapag tinusok 'yon sa audio port sa ulo naman ng panda pendant niya, maririnig niya ang recording niyon. Sana lang, may naiwang voice message ang kakambal niya.
Hinubad niya ang kuwintas niya. Pagkatapos, sinuksok niya ang silver horn sa panda pendant niya.
"What are you, Marigold Hamilton?"
Nabitawan ni Lilac ang kuwintas nang marinig ang nakakakilabot na boses ng lalaki mula sa voice recorder. Tumayo ang balahibo niya sa kilabot. Hindi rin niya alam kung bakit pero bigla siyang nakaramdam ng takot para sa nilalang na narinig niyang nagsalita.
Sino 'yon?
Boses pa lang ng nilalang, puno na ng napakalakas pero malupit na kapangyarihan. Naramdaman niya 'yon kahit recorded voice na lang ang pinapakinggan niya.
"Just kill me..."
Naitakip ni Lilac ang mga kamay sa bibig niya nang marinig ang nanghihina at halatang nahihirapang boses ng kanyang kakambal. "Marigold..." bulong niya, kasabay ng pagpatak ng mga luha niya.
Tumawa ang nilalang gamit ang boses nitong nakakakilabot. "Oh, you bet I will, my dear. I will. But you have to answer my questions first. Bakit marunong kang lumaban at gumamit ng salamangka?"
Biglang bumukas ang pinto.
The next thing Lilac knew, Tyrus was already kneeling beside her. His hand was gently holding her shoulder. Like her, he was looking at the necklace on the floor.
Ramdam niyang nasa likuran din niya ang iba pa nilang kasamahan. Nakakapagtaka man, pero naramdaman din niya na ang bawat Keeper na kasama niya ngayon ay biglang naging alerto. Naalala niyang matalas ang pandinig ng mga kalahating-bampira, kaya malamang, nakilala ng squad ang boses na naririnig nila ngayon kaya biglang napasugod ang mga ito sa kuwarto niya.
"Ang boses na 'yon..." pagsisimula ni Lilac sa basag na boses. Binaba niya ang nanginginig niyang mga kamay sa kandungan niya at kinuyom ang mga 'yon. "Siya ba si Magnus?"
Tumingin si Tyrus sa kanya. Sa unang pagkakataon, nakakita siya ng kakaibang emosyon sa mga mata nito– awa. "Siya nga," tumatangong sagot nito.
"Wala akong sasabihin sa'yo," mariing sabi ni Marigold sa kabila ng mabigat nitong paghinga na para bang may iniinda itong matinding sakit. "Patayin mo na lang ako..."
Napapikit si Lilac nang napalakas ang pag-iyak niya. Hati ang damdamin niya. Gusto niyang marinig ang boses ni Marigold, pero hindi sa ganitong paraan.
"You chose to kill our child," malamig na sabi ni Magnus. The playfulness in his voice was replaced by a threatening one. "Wala ka nang pakinabang sa'kin ngayon. Maliban sa isang bagay." Saglit itong huminto. "Tell me where to find your twin sister."
Napamulat ng mga mata si Lilac. Naramdaman din niya ang paghigpit ng pagkakahawak ni Tyrus sa balikat niya. Kung gano'n, alam na ni Magnus na may kakambal si Marigold?
"I don't have a twin sister," tanggi ni Marigold sa mariing boses. "Sinabi ko na sa'yong lumaki ako sa bahay-ampunan at wala akong kapati– ahhh!"
Napasinghap si Lilac nang nag-echo sa buong kuwarto ang sigaw ni Marigold na halatang dumadanas sa matinding hirap at sakit. Napahikbi na lang siya habang binabaon ang mga kuko niya sa kanyang mga palad. Sobrang bigat sa dibdib na wala siyang magawa ngayon kundi ang makinig na lang sa mga huling sandali ng kanyang kakambal. Parang babaligtad ang sikmura niya. "Marigold..."
"Sa susunod na pagtarak ng punyal na 'to sa katawan mo, sisiguraduhin kong sa puso mo na babaon ang talim nito at hindi sa sikmura lang," banta ni Magnus sa mapanganib na boses.
Sinaksak ng walanghiyang bampirang 'yon si Marigold? Napasigaw si Lilac sa sobrang galit at sakit. Kung puwede lang niyang hilahin ang napakalupit na si Magnus mula sa voice recorder, ginawa na niya.
"Napaimbestigahan ko na ang ampunang pinanggalingan mo," pagpapatuloy ni Magnus. "Alam ko nang hindi Marigold Hamilton ang tunay mong pangalan. Pero ang pinakaimportanteng impormasyon na natanggap ko ay ang tungkol sa kakambal mo. But unfortunately, I can't find any record about your twin sister. I hate wasting time, you know. So you just have to tell me where she is, my dear."
"I don't have a twin sister," giit ni Marigold, halata sa boses na hinang-hina na. "I don't..."
Sumigaw si Magnus at nagsalita ng ibang lengguwahe na para bang nagmumura na ito.
Lalong lumakas ang iyak ni Lilac. Sa kabila ng parusang natatanggap ni Marigold sa mga huling sandali ng buhay nito, pinrotektahan pa rin siya ng kanyang kakambal.
"Ito na ang huling beses na tatanungin kita, Marigold," banta ni Magnus sa boses na malamig pa sa yelo. "Nasa'n ang kakambal mo?!"
Marigold let out a soft, yet insulting laugh. "Kahit mabaliw ka pa sa kahahanap, wala kang makikitang kakambal ko. I told you a million times already. I don't have a twin sister."
Muli, sumigaw si Magnus sa galit.
Kasunod ang tunog ng kalansing.
At ang makabasag-pusong pagsigaw ni Marigold.
Tumayo si Lilac at patakbong nagpunta sa banyo sa loob ng kuwarto. Pagdating sa lababo, hindi na niya napigilan ang pagsuka dahil kanina pa masama ang pakiramdam niya. Hindi na rin niya napigilan ang lalo pang paglakas ng kanyang iyak habang nililinis niya ang sarili.
Base sa mga tunog at ingay na narinig niya, hindi naman mahirap isipin na dumanas pa ng torture si Marigold bago ito tuluyang bawian ng buhay.
Marigold...
Bumigay muli ang mga tuhod ni Lilac kaya sa pagkakataong 'yon, sa sahig ng banyo naman siya napaluhod. Hindi niya mapigilan ang pag-iyak. Kailangan niyang ilabas 'yon dahil pakiramdam niya, hindi siya makahinga sa sobrang paninikip ng kanyang dibdib.
Sumigaw siya sa galit nang marinig muli sa isipan niya ang boses ni Magnus at kung paano nito pinagbantaan at sinaktan ng paulit-ulit si Marigold. Bawat himaymay ng pagkatao niya, naghuhumiyaw na kailangan niyang pagbayarin ang nilalang na sumira sa kanyang buhay.
Marigold died protecting her.
Lilac will now live to avenge her twin sister.