9th Confrontation

1477 Words
DENIM put her oversized sunglasses on the top of her head when she stepped out of the car. Napabuntong-hininga na lang siya nang makita ang malaking mansiyon ng kanyang Uncle Miguel. Confirmation 'yon na oo, pinutol niya ang bakasyon niya sa New York para umuwi ng Pilipinas. Which meant she needed to deal with the family drama that she started. Pagpasok niya sa mansiyon, sumalubong agad sa kanya ang nakangiting si Cerise Alessandra Stratton, ang Nobleblood na pinagsisilbihan ng kanyang pamilya, na hinihintay siya sa tapat ng grandstaircase. This old vampire had always been good to her. In fact, her Aunt Cerise had been like a mother to her ever since her biological mom died a long time ago. "Aunt Cerise," nakangiti at excited na bulalas ni Denim. Nakakaisang hakbang pa lang siya kaya nagulat siya nang bigla ay nasa harap na niya ang bampira. Natawa tuloy siya. "I missed you!" The lady of the house greeted her with a tight hug. "Welcome back, my darling. I missed you, too." Hindi niya alam kung gaano gaano katagal nang nabubuhay sa mundo si Aunt Cerise, pero sigurado siyang matagal nang huminto ang pagtakbo ng oras para rito dahil nanatiling bata ang anyo nito. With Cerise Alessandra Stratton's golden braided hair, small angelic face, stunning emerald eyes, pointed nose, vivid red lips, her classic beauty was timeless. She also had a gorgeous slim figure and glamorous long legs that international models would surely kill for. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito kahit hanggang talampakan ang suot nitong itim na bestida. Very classy. Umabistre sa kanyang braso si Aunt Cerise at marahan siyang inakay paakyat ng hagdan. Sa pagkakataong 'yon ay sinabayan siya ng bampira sa mabagal na paglalakad. Well, mabagal para rito pero 'yon naman ang normal na bilis para sa mga tulad niyang ordinaryong mortal. "How was your flight, darling?" tanong ni Aunt Cerise sa gentle nitong boses. "It was fine, Aunt Cerise," simpleng sagot ni Denim, nakalabi. "But I really dreaded coming back. Kung hindi dahil sa binalita mo sa'kin, hindi pa ko uuwi. I don't want to see Uncle Miguel yet." Bumuntong-hininga ang kanyang Aunt Cerise at hinawakan ang kanyang kamay. "Denim, dear, unawain mo na lang ang Uncle Miguel mo. Isa pa, sa edad niyang 'yon, hindi naman nakakapagtaka kung magkaro'n siya ng karelasyon. Your uncle is already in his early fourties." Sumimangot si Denim. A month ago, she found an ultrasound copy of a baby boy in Uncle Miguel's suit jacket when she was looking for her credit cards that her uncle confiscated as a punishment for her "improper behavior" (aka firing her new PA, again). "Aunt Cerise, wala namang problema sa'kin kung gusto nang mag-settle down ni Uncle Miguel. Pero sana naman, 'yong ka-level namin ang dine-date niya. But no. He's dating girls my age from small and unknown acting agencies. 'Yon ang hindi ko matanggap." Her uncle was Miguel Lorenzo Benitez, president of a huge TV network who also owned New Dimension Pictures, a movie company known for producing blockbuster films. Bilang nag-iisang pamangkin ng kanyang tiyuhin na tinuring na rin niyang parang tunay na ama simula nang maulila siya no'ng tatlong taong gulang pa lang siya, hindi naman katanggap-tanggap na nakikipag-date lang ang Uncle Miguel siya sa mga starlet. Sigurado kasi siyang ginagamit lang ng mga babaeng 'yon ang tiyuhin niya para magkaro'n ng big break sa showbiz. Ang ayaw niya sa lahat ay ang ginagamit ang pamilya niya dahil sa yaman nila. When she brought up her concern, she and her Uncle Miguel had an ugly fight. Nagtampo siya sa tiyuhin niya dahil sa unang pagkakataon, hindi siya nito pinakinggan. Dahil sa sama ng loob, naglayas siya at nagbakasyon sa America ng halos isang buwan. "Ayokong magkaro'n ng pinsan kung ang mommy niya ay starlet lang," pagpapatuloy ni Denim sa paglalabas ng hinanakit. "Ang dami-dami namang babae d'yan from other buena familia na interested kay Uncle Miguel. Why not just date one of those women?" Natawa ng mahina si Aunt Cerise. Iiling-iling na kumalas sa kanya ang bampira para buksan ang double doors ng kanyang kuwarto. "Kung ganyan lang kadaling pilitin ang sariling magmahal ng iba, posible sana 'yang sinasabi mo. But love doesn't work that way, darling. Remember that." Sumimangot lang si Denim bago siya pumasok sa loob ng kuwarto niya. Four posted queen sized bed, elegant curtains, huge walk in closet, pastel clolored-walls. Nothing had changed in her room. "'Yon din ba ang reason kung bakit hindi ka pa nag-aasawa, Aunt Cerise? Are you still in love with the man you told me about before?" Na ni minsan ay hindi pinapangalanan o pinapakita ni Aunt Cerise ang picture sa kanya. Pumihit paharap sa kanya si Aunt Cerise. There was a sad look on her face even when she was still smiling. "A vampire's love is eternal, my dear." Denim was left speechless. Gano'n ba talaga kalalim ang damdamin ng mga bampira? "I can't believe you just asked that question to a Nobleblood, Denim." Inis na nilingon ni Denim ang pinanggalingan ng malalim at masungit na boses na 'yon. Nakita niya si Finn na nakasandal sa door frame habang nakahalukipkip at binibigyan siya ng nananaway na tingin. Koreana ang mortal na ina nito kaya hindi tulad ng karaniwan, mukhang Asian si Finn. But nevertheless, he was still strikingly and undeniably gorgeous. He was tall and lean, and the size of his muscles was just enough to show that he had been taking really good care of his body. He had jet-black hair, chinky eyes, pointed nose, thin reddish lips, and pale skin just like most half-vampires did. "Kung alam kong 'yan lang ang sasabihin mo sa'kin pagkatapos kong umuwi ng Pilipinas para sa'yo, hindi na sana kita binalikan dito," paghihinanakit ni Denim kay Finn. Kumunot ang noo ni Finn. "Ako ang dahilan ng pag-uwi mo?" "I told Denim what happened to you, Finn," sabi ni Aunt Cerise. Pagkatapos, nakangiting nagpalipat-lipat ng tingin ang bampira sa kanya at kay Finn. "You two need to talk. Please excuse me." Bago pa kumurap si Denim, wala na sa kuwarto si Aunt Cerise. Masyadong mabilis ang kilos ng bampira para sa ordinaryong mortal na gaya niya. "Totoo ba 'yong sinabi ni Lady Cerise?" Napasinghap si Denim sa gulat nang bigla-bigla, nasa harap na niya si Finn. Nakakunot pa rin ang noo nito habang nakatingin pababa sa kanya. Umabot lang kasi siya sa leeg nito. "Bakit ka ba nanggugulat?" "Totoo bang umuwi ka dahil nalaman mo ang nangyari sa'kin?" Humalukipkip si Denim at tinaasan ng kilay si Finn. "What if I say yes?" Biglang napangiti si Finn. "Are you finally falling in love with me?" "No," mariing sagot ni Denim. "Falling in love with you would be like having incestuous feeling for an older brother. Nakakakilabot, Finn." Nawala ang ngiti ni Finn at bumalik sa pagiging masungit ang boses. "We're not blood-related, Denim." "You're not my type," deretsang sabi ni Denim. Pagkatapos, kinuha niya ang kanang braso ni Finn. Hindi naman nag-react ang lalaki habang nirorolyo niya ang sleeve ng jacket nito hanggang sa siko nito. At muli, napasinghap siya nang makita ang sunog na bahagi sa forearm nito. The burnt mark was visible. If a mortal like her could clearly see the scar, vampires definitely could see it as well. "Totoo nga ang sinabi ni Aunt Cerise. Hindi gumagaling ang burnt mark mo kahit may speedy recovery ka." Nag-angat siya ng tingin kay Finn na nakatitig lang sa mukha niya. "I know how much you care about your physical appearance. You might have been so upset. Saan mo ba kasi nakuha 'tong sunog na 'to at hindi mawala-wala?" "That's not important," paiwas na sagot ni Finn. Kahit kailan talaga, hindi dini-disclose sa kanya ni Finn ang "trabaho" nito. Ang alam lang niya, delikado 'yon dahil lagi na lang injured ang best friend niya kapag nakakatapos ito ng misyon. Hindi nakakapagtaka 'yon dahil si Finn ay isang Bloodkeeper na personal bodyguard at right-hand man ng isang Nobleblood. "Are you okay, Finn?" nag-aalalang tanong ni Denim. "I wasn't for the past month that you're gone," sagot ni Finn. Then he cupped her face in his warm, big hands while gently brushing his fingers against her cheeks. "But now that you're here and you made me feel loved and cherished again, I'm fine." Bumuntong-hininga na lang si Denim. Ipinalupot niya ang mga braso niya sa baywang ni Finn, saka niya sinubsob ang mukha niya sa balikat nito. Ah, mas mainit at di hamak na mas matigas ang katawan nito kaysa sa normal na tao. Pero kahit kailan, hindi ipinaramdam sa kanya ng lalaki na dapat niya itong katakutan. Parati pa ngang safe ang pakiramdam niya kapag kasama niya ang best friend niya. She closed her eyes and sniffed in his masculine scent that she secretly loved. "I missed you so much, Finn." Bumuntong-hininga si Finn na parang nadismaya sa mga sinabi niya dahil alam naman niyang hindi 'yon ang gustong marinig nito mula sa kanya. Pero magaang na ipinalupot din naman nito ang mga braso sa katawan niya. "If you've missed me that much, then don't leave my side ever again, okay?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD