Kabanata 2

2245 Words
"Not everything that can be counted counts, and not everything that counts can be counted." -Albert Einstein Nang matapos ang klase ni Roeve ay dumiretso s'ya sa parking lot ng university para doon abangan ang pinsang si Francheska. Kailangan n'ya itong makausap tungkol sa ginawa n'yang gusot na walang pasubaling dawit ang pinsan n'yang walang kamalay-malay. Halos dalawampung minuto pa ang hinintay n'ya sa loob ng kanyang sasakyan bago n'ya namataan ang taong kanina pa n'ya inaabangan. She hurriedly came out of here red Maybach. At aksidente pang sumalpok ang ulo n'ya sa atipan ng kanyang kotse sa sobrang pagmamadali. She grunted in pain. "Cheska, w-wait!" Tawag n'ya sa pinsan na mukhang papasok na rin sa sariling sasakyan na nakaparada lang sa harapan ng Maybach ni Roeve. Natigilan ang kanyang pinsan at tinignan s'ya. Medyo gulat ang ekspresyon ni Francheska habang papalapit sa gawi n'ya si Roeve. "R-roeve? Hey, bakit?" She looked at her puzzled. "Uhm, may hihilingin lang sana akong maliit na pabor sa'yo. Please!" Diretsong wika ni Roeve. Medyo nagtaka si Roeve nang biglaan ay parang nabalisa ang pinsan at tumingin-tingin pa ito sa kanilang paligid na parang may sinusuri na kung ano. "Let's talk somewhere else, Roeve. Not here. Hop in!" Hindi n'ya maintindihan ang inaakto ng pinsan pero dahil may sadya s'ya dito kaya binalewala na lamang n'ya ito. Dinala s'ya ng pinsan sa isang park malapit sa university. Akala n'ya doon sila mag-uusap pero nanatili lang naman sila sa loob ng sasakyan ni Francheska. "Ano nga pala 'yong tungkol sa pabor na tinutukoy mo kanina?" Diretsahang usisa sa kanya ng pinsan. Dahil hindi naman mahilig magpaligoy-ligoy itong si Roeve kaya isinalaysay n'ya kaagad ang hiling n'ya sa pinsan. Awang ang bibig ni Francheska nang matapos sabihin sa kanya ni Roeve ang kalokohang pinasok nito. Hindi n'ya lubos maisip na ganito na pala kalala ang sira ng utak ng pinsan. "You did... what? Roeve, are you kidding me?" Francheska exclaimed. Halata ang inis sa mukha ni Francheska at ang lalong ikinakulo ng dugo nito ay wala man lang siyang makitang pagkakasala sa mukha ni Roeve. At nagawa pa talaga nitong humagikhik. "I bet you're not deaf, Ches. Atsaka napakaliit lang naman na pabor 'yon para hindi mo pa ako paunlakan," Roeve purred. Napasapo sa kanyang noo si Francheska at parang hindi na n'ya kinayang tignan ang pinsang nakaupo sa passenger seat ng kanyang sasakyan. "Nagawa mo pa talagang insultuhin ako. Damn! Kakaiba ka talaga, Roeve! Tindi mo!" "So, bilib ka na sa kakayahan ko?" Halakhak nito. "Bilib na bilib, Roeve. Naniniwala rin akong isang hilahod na lang n'yang utak mo ay paniguradong sa mental hospital na ang bagsak mo. My, God! I can't believe you did that impossible thing." "Grabe 'to, parang desperada lang naman 'yong tao," she snorted. "See? Desperada ka naman pala, e bakit hindi na lang ikaw ang makipagkita doon sa crush mo?" Tumulis ang nguso ni Roeve sa sinabi ng pinsan. "Hindi nga pwede dahil ang alam n'ya ay ikaw ay ako, I mean, ako ay ikaw. Basta 'yon na 'yon." Wala naman kasi s'yang choice at si Francheska lang naman ang puwede n'yang pulutin para ipasok sa gusot na 'to. Alam n'yang magkaka-interes si Ice kapag pictures ni Francheska ang gagamitin n'ya ngunit hindi talaga inaasahan ni Roeve na makikipagkita ito. Okay na sana siya sa online chatting na lang. Maganda naman kasi si Francheska at matalino, hindi tulad n'yang pangit na nga, tunggak pa. Kaya paano s'ya mapapansin ng ultimate crush n'ya gayung alam na alam n'ya sa sarili n'yang malabo pa sa malabo na papansinin s'ya ni Ice. Kaya kahit sa kasinungalingan na lang ay ayos na sa kanya. At least she's in touch with him. Sapat na sa kanyang nakakausap niya ito. "Oh Mary, mother of Jesus! Just please! Oh please, kindly heal this woman!" "Stop entreating there, Ches. Malayo ang simbahan dito, hindi aabot kay Kristo ang panalangin mo." Napapairap na lang ang pinsan n'ya sa pagiging loka-loka n'ya. Pero wala namang balak isuko ni Roeve iyong pangarap n'ya. Gagawin n'ya ang lahat mapapayag lang si Francheska na makipagkita kay Ice sa Friday. Dahil kung hindi ay baka putulin nito ang communication sa pagitan nilang dalawa. "Pumayag ka na lang kasi, Ches. Magpapakita ka lang naman sa kanya doon sa rooftop ng building nila. Atsaka, remember the LV bag Dad gave me last week? I'll give it to you as a price, isn't it that great?" Napangisi si Roeve ng biglang umaliwalas ang mukha ng pinsan. Alam n'yang mapapapayag na n'ya ito dahil alam n'yang matagal na nitong inaasam ang bagay na 'yon. At willing s'yang ibigay iyon sa pinsan basta pumayag lang 'to sa kagustuhan n'ya. Parang suhol na rin sa madaling sabi. "Sure 'yan, ha?" "Of course, I can stand with my words, you know." "Fine! Pumapayag na 'ko." Parang nagsibabaan ang mga anghel mula sa kalangitan ng sa wakas ay napapayag n'ya rin ang pinsan. Hindi nga s'ya nagkamali. Mabuti na lang at alam na alam ni Roeve kung saan ang kiliti ng pinsan. "By the way, sino nga pala iyong crush mo na ime-meet ko?" Tanong ni Francheska. Pilya n'yang nginisihan ang pinsan bago magsalita. "None other than Aiszein Addison, mostly known as Ice." Literal na nanlaki ang mga mata ni Francheska sa sinabing pangalan ni Roeve. She stared at Roeve for a moment to considered what she said to her. She didn't hear it right? Did she? "C-come again, sino?" She queried confusedly. Roeve arched her brow. "Si Ice Addison nga. S'ya 'yong palagi kong kini-kwento sa'yong ultimate crush ko." Malapit naman si Roeve sa pinsan n'yang si Francheska pero ni minsan ay hindi naman n'ya nabanggit dito na si Ice ang crush n'ya. Minsan nagkukuwento naman s'ya tungkol kay Ice pero para namang walang pake doon si Francheska. Bumagsak ang balikat ng pinsan n'ya sa pag-aming ginawa. Kumunot ang noo n'ya habang sinusuri ang reaksyon ni Francheska. "Basta closed deal na tayo, ha? Engineering building rooftop, 6PM daw ngayong Friday." Doon natapos ang pag-uusap ng dalawa at hinatid na si Roeve ng pinsan pabalik sa parking lot ng university dahil nandun pa 'yong sasakyan n'ya. Ngunit talaga namang pinaglalaruan s'ya ng kamalasan ng mamataan n'yang flat ang isang gulong ng kanyang kotse. Hindi n'ya mapigilang mapamura at mapadaing sa sobrang inis. Parang okay naman 'to kanina, a. Umigik ng umigik si Roeve habang nakaupo sa gilid ng kanyang kotse. Para naman s'yang baliw na hinimas-himas ang flat na gulong. May duda na naman s'ya kung sino ang maaaring gumawa nito. Ang gaga ko lang talaga. Hindi naman 'to maaayos sa paghimas ko! Letse! Kinuha na lang n'ya ang cellphone na nasa dashboard ng kanyang kotse dahil hindi naman n'ya 'to nadala kanina. Sinubukan n'yang tawagan ang family driver nila para magpasundo ngunit hindi n'ya ito ma-contact. Napapadyak s'ya sa inis at napasandal na lamang s'ya sa kanyang Maybach. "Something wrong?" Napaayos ng tayo si Roeve ng biglang may lumitaw na boses ng lalaki mula sa bandang kaliwa n'ya. Parang huminto ang kanyang mundo at pati ang paghinga n'ya'y parang naputol nang lingunin n'ya ang taong nagsalita. Literal na napaawang ang kanyang bibig at bumilis ang t***k ng kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib. At pakiramdam n'ya ay luluwa na iyon sa sobrang pagkabog nito. Hindi naman ito ang unang beses na nakita n'ya si Ice pero ito ang kauna-unahang pagkakataong nakaharap n'ya ito ng ganito kalapit. Lord, ipapaubaya ko na po sa inyo ang walang kwenta kong buhay! s**t, this is a dream come true! "Hey, Miss! Are you alright?" untag sa kanya ng bathaluman sa kanyang harapan. Ang bathalumang handa niyang sambahin mapaaraw man o gabi. She composed herself and checked her chin with her fingertips. Baka kasi may nakatakas na laway mula sa kanyang bibig. "A-ah... Uhm sorry." Nauutal n'yang sabi. But, seriously? Bakit nga ba s'ya nag-so-sorry? Stupid her! Parang nanginig ang kanyang kalamnan nang ngumiti si Ice sa kanya. Parang gusto n'yang itutok ang cellphone n'ya sa mukha ni Ice para kuhanan ng litrato ang napakagandang ngiti nito. Oh, my beloved Ice Addison. Make me your slave now. "M—make you my slave? Miss, okay ka lang ba talaga? Mukha ba akong naghahanap ng alipin?" Natatawang saad ni Ice. Nanlaki ang mga mata ni Roeve at marahas na napatakip sa kanyang bibig. Fѷck! Naisatinig ko ba talaga 'yon? Did my mouth betrayed me? Dammit! "Dude, let's go. Huwag mo nang pag-aksayahan ng oras 'yang si Ms. Nerdy!" Isang lalaki ang tumawag kay Ice na nagpairap kay Roeve. Hinanap ng kanyang mga mata ang lalaki at gusto n'ya itong sapukin sa mga oras na 'to. Aba't ang kapal naman ng apog na lalaking 'to! Mukha naman s'yang kanong na-marinate sa suka sa loob ng ilang dekada sa sobrang barak ng kanyang pagmumukha. Ice looked at her apologetically before turning away. Roeve left alone with a heavy heart and slightly hack off. Bakit pa kasi lumitaw ang asungot na 'yon? Pinagtagpo na nga kami ng tadhana ni Ice pero ginambala pa ng kung sino man 'yong ugok na 'yon. I really could kill that jerk! Chance na 'yon, e. Tutulungan na sana ako ni Ice at maaari ring ihatid n'ya ako sa bahay kung nasabi ko lang na flat 'yong gulong ng kotse ko. Kung hindi lang talaga sa kumag na 'yon, naku! Kahit naman napakaimposible ng mga naiisip ni Roeve ay naniniwala at nagtitiwala naman s'ya sa kanyang mga imahenasyon. Ugali kasi n'yang lumangoy sa napakalawak na saklaw ng kanyang imahenasyon. "Kinakausap mo na naman ang sarili mo. Baka may plano ka nang magpatingin sa isang psychiatrist." Napangiwi si Roeve ng may dumating na dalawang lalaki at linapitan s'ya. "Si Ice ba 'yong kausap mo kanina?" Dagdag ni Freud. Kusang nag-init ang pisngi ni Roeve nang marinig ang pangalan na 'yon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin s'ya makapaniwalang nagawa s'yang kausapin ni Ice. At ang nakakapagpataba ng kanyang patay na patay na puso ay 'yong ngumiti sa kanya si Ice kanina. "Ahhhh... Waahhhh..." Sumabog na nga ang kanina pa n'yang pinipigilan na kilig at tili. Paniguradong aabot hanggang sa entrada ng university ang ingay ng dalaga. "She's damn insane!" Roeve heard Creed's comment and her expression abruptly changed. "Excuse me, did I ask for your opinion?" Sarkastiko n'yang sabi kay Creed. Inayos n'ya ang salamin sa kanyang mga mata upang dumapo doon ang tingin ni Creed nang sa ganun ay makita nito ang pag-irap n'ya. Natawa na lang sa kanya ang pinsan at nagawa pa s'yang akbayan nito. "Don't be silly, my dear cousin. We're just concerned about your possible condition. It's alarming, don't you think so?" Roeve irritatingly made a face. "Lunukin n'yo na lang 'yang concern na sinasabi mo! Anong akala mo sa 'kin, Freud, may stage four cancer?" Napairap na lang ulit s'ya ng tinawanan na naman s'ya ng pinsan. "Anyway, bakit nandito ka pa?" "Yon na nga, flat kasi 'yong isang gulong nito." She pointed the poor flat tire of her car. "Kaya hindi ako makauwi. Hindi ko rin naman ma-contact si Bruce." "Oh, I see. Tara sabay ka na lang sa 'min. Dude, let's take her home first." Tahimik lang na nakatayo si Creed habang nakatingin sa magpinsan. Creed threw his car key to Freud. "Ikaw na ang magmaneho." Tila naiinip na saad nito. Nauna na si Creed sa kanyang sasakyan habang naiwan naman ang dalawa sa tabi ng Maybach ni Roeve. "Mabuti at natitiis mo 'yong kaibigang mong 'yon, 'no? He's too boring. Parang robot na de numero ang kilos at pagsasalita. Para siyang may something." "He's just a bit cold but he's the kindliest man I know, cousin." Freud stated and Roeve is obviously doubting his statement. "Kindliest ba? Parang wala sa mukha n'ya, Freud. Niloloko mo talaga ako ng harap-harapan." Umismid ang dalaga. Freud chuckled and ruffled her unbound hair. "You'll know what I mean if you try to know Creed better. Mabait 'yan." "No thanks, busy ako. Wala akong panahong hanapin kung nasaan man 'yang kabutiha ni Creed Saavedra na sinasabi mo. I'm not interested with him. Tama na 'yong alam kong bukod sa boring siya ay warfreak din s'ya. Psh." Kinuha na ni Roeve ang bag n'ya sa loob ng kanyang sasakyan. "Hindi warfreak ang tawag kung nagagawa man ni Creed na makipag-away only because he's just trying to defend those bullied members of the society. Like you for example. Anyway, I heard he trained you in judo?" "Ha? Napadaan lang naman ako dun habang nagpa-praktis s'ya." Half lie. Totoo naman 'yong parteng napadaan talaga s'ya dun sa building kung saan nagpa-praktis si Creed ng martial arts. Nakita n'ya si Creed isang araw papasok sa kung saan at hindi naman malaman ni Roeve sa sarili n'ya kung bakit sinundan ng kanyang mga paa ang matalik na kaibigan ng kanyang pinsan. Minanmanan lang naman n'ya ito nung araw na 'yon at sa hindi inaasahan ay nahuli s'ya ni Creed na tangang nakamasid sa binata. At dahil sa engot nga s'ya at nung tinanong s'ya ni Creed kung anong ginagawa n'ya dun ay ito ang sinagot n'ya, Can you teach me how to do that sport? Interesting, e. "Ganun ba? So, apat na araw kang napadaan dun at laging nagkakataong nandun din si Creed?" "And your point is?" Tumaas ang kilay ni Roeve sa kakaibang tono ni Freud. "Well, I honestly thought that you have feelings for Saavedra." "What the... Excuse me? No fúcking way! Loyalista ang puso ko kay Ice 'no."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD