Kabanata 1

2058 Words
Impit ang tili ni Roeve habang binabasa ang tugon na mensahe sa kanya ng kanyang ultimate crush na si Aiszein Addison o mas kilala sa university nila sa tawag na Ice. Si Ice ay isang half Filipino at half Aussie at isa s'ya sa mga hinahangaang lalaki sa buong university. Hindi lang dahil sa guwapo ito at sa taglay nitong kaperpektohan, kundi dahil rin sa mabait ito. Kaya naman ay pati ang inosenting si Roeve ay patay na patay rin dito. Sino ba namang hindi? Kahit nga mga babaeng professor ng university ay humahanga rin sa binata. Kaya hindi na nakakapagtaka pa na pati si Roeve ay naakit sa taglay nitong kakisigan. From: My Ice Poppie Yep, I already visited your sss timeline. And honestly, I really appreciate your beauty, Francheska. 'with wink emoji' Ito ang mensahe ni Ice na natanggap ni Roeve. At hindi nga kayo nagkakamali, tinawag s'yang Francheska ng kanyang ultimate crush. She stool her cousin's identity. Pati mga photos ng pinsan ay ninakaw din n'ya para iyon ang ipaskil sa ginawa n'yang dummy account sa f*******: para lang magkaroon sila ng communication ni Ice. At oo, isa ngang desperada si Roeve pagdating kay Ice. Walang imposible sa kanya basta mapansin lang s'ya ng binata. Kahit pa ang alam nito ay s'ya ang pinsan n'yang si Francheska. She has to do such foolish things dahil kapag personal s'yang magpakilala sa binata ay pihado s'yang kahit isang ligaw na tingin mula kay Ice ay hindi s'ya nito pauunlakan. Roeve is typically a nerd type of girl. Sa totoo lang ay maganda naman s'ya ang kaso lang ay wala talaga s'yang hilig sa kahit na anong fashion kaya ang resulta ay nagmumukha s'yang manang dahil sa palagi n'yang suot na mahabang palda na denim at simpleng t-shirts o kaya naman ay damit na may mahabang manggas. Kung may na-improve man sa pananamit n'ya ay iyong minsan ay nagsusuot s'ya ng cardigan or blazer na hindi rin naman angkop sa madalas na mainit na klima sa bansa. At kaya s'ya nabansagang nerd kasi palagi s'yang may suot na makapal na salamin. Iyon kasi ang hilig ni Roeve, ang mangolekta ng samo't-saring eyeglasses at ang iba pa nga'y galing pa sa ibang bansa at naghahalaga pa ng libong dolyares. But unlike the usual nerd, Roeve is different. Seemly different. Kung ang karaniwang nerd ay matalino si Roeve nama'y... well, not to mention that she's bubbleheaded. Tamad itong mag-aral at hindi rin talaga n'ya alintana na anak s'ya ng dalawang tanyag na prosecutor ng bansa. See, she's somewhat interesting in her own way, right? So enough with her for now and let's go back to Ice. Ilang araw pa lang naman silang nagkakaroon ng communication through text messages at ngayo'y pati sa f*******: na rin. Masaya naman s'ya sa resulta ng pagpapanggap n'ya dahil kahit papaano ay nakakausap n'ya si Ice at nakakatext pa n'ya ito. Ilang taon na n'yang hinahangaan ang binata ngunit nitong nakaraang linggo lang n'ya nakuha ang number nito nung naisipan n'yang gumawa ng fake account sa f*******: at kinulit n'ya ng kinulit si Ice na bigyan s'ya ng personal contact number nito. At sa sandali ngang iyon ay ibig n'yang magpa-party dahil sa wakas ay nakuha na n'ya ang kanyang inaasam. Ang number ni Ice. How shallow is this girl's happiness, you bet? Ngunit napawi ang ngiti sa labi ni Roeve at parang awtomatikong nabura ang kilig n'ya sa katawan dahil sa sumunod na mensahe ni Ice. From: My Ice Poppie If you don't mind, I want to meet you personally. Engineering Building rooftop, on Friday 6PM. Can't wait to see you. "Damn that face of yours, Desraeli. Hulaan ko, bagsak ka naman sa midterm exams natin, ‘no?" Napaangat ang tingin ni Roeve sa malaking salamin sa harapan n'ya ng biglang may nagsalita mula sa kanyang likuran. Nakita n'ya ang mga repliks'yon ng tatlong demonyita doon kaya nama'y napairap s'ya. Halatang iniinsulto na naman s'ya ng mga bagong dating na mga kaklase n'ya. "It isn't new, you know. But look, she's holding a phone. Baka naman may textmate. Pero natitiyak ko rin namang mandidiri 'to at ibabusura s'ya nung kung sino man 'yong nag-abalang patulan s'ya dahil marahil pati sa text ay bobo rin s'ya." The annoying girls at her back laughed in chorus. Napakuyom ng kamao si Roeve at nanggagalaiti s'yang ilampaso sa sahig ng CR ang mga mukha nung mga babaeng nasa likuran n'ya. "Mga duwag nga talaga kayo," Aniya sa kalmadong boses. Ngunit nag-aalab na sa galit ang buong pagkatao n'ya. Natigilan ang tatlo at hinarap sila ni Roeve. "What the heck did you just say, you cuddy stupid girl?" Bulyaw sa kanya nung isa. She tried to post a grin on her face to hit their nerves and she succeed cause they're now showing their pestered face on Roeve. "Hindi ka lang pala duwag, bingi ka rin pala." Dagdag n'ya na lalong nagpasama sa timpla ng mga nasa harapan. "Bakit kasi ang hilig n'yong makipagtaltalan sa mismong likuran ko pa? Why don't you try to spit whatever you want right in front of my face if that's what make yourselves pleased?" "Aba't kailan ka pa natutong magpatalbog ng mga ganyang pananalita, ha? Fѷck! You amazed us, mind you." That was a sarcasm.. with a twist. "Well, if you really are interested.. ngayon lang cause your slurry presences encouraged me to do so. Now, isn't that amazing, too?" Walang balak si Roeve na umatras sa sinimulang gera ng mga kaklase n'ya. Hindi sa nagtatapang-tapangan s'ya ngunit tama si Creed. Kapag hinayaan n'ya lang i-downgrade ng sino man ang kanyang pagkatao at hindi n'ya magawang lumaban ay may posibilidad na malugmok s'ya sa mga pan-iinsulto ng mga ito. At may posibilidad ring mahihirapan s'yang umahon sa pagkakalugmok kapag nagkataon. "Damn you! Stop slapping us with your sarcasm or else-" "Or else what? You'll hit me physically and bang me to death? Come on, try then para malaman n'yo kung anong hinanap n'yo." Panghumimok ni Roeve. Parang biglang nabahag ang buntot ng tatlo at nagkaroon pa ng panandaliang bulung-bulongan sa kanilang lipon. "s**t! We have to go now, girls! Hindi n'yo ba alam na tinuturuan 'yan ni Creed sa martial arts?" One of them murmurs. "Ha? For real? Kailan pa sila naging close ni Papa Creed?" "Not sure when but seriously we have to get our asses out of here or else sa clinic tayo pupulutin nito." "Letseng manang na 'to! Ugh, pati ang Papa Creed ko ay inaahas na pala n'ya. So kapal!" "Damn! Mamaya mo na isipin si Creed, tara na kasi." "Hey, nagawa n'yo pa talagang mag-tsismisan d'yan! Alam n'yo, naiinip na ako dito pero willing rin naman ako na ako mismo ang lumapit sa inyo." Sa sinabing iyon ni Roeve ay mabilis pa sa kidlat na naglaho ang tatlo sa loob ng banyo. Nakahinga ng maluwag si Roeve at itinoon muli ang pansin sa kanyang cellphone. To: my frozen love Sure. See you. Pabalik na si Roeve sa kanilang classroom ng may maramdaman s'ya na parang may bumubuntot sa kanya. Sa una'y benaliwala n'ya ito pero mukhang wala itong balak na maglaho sa kanyang likuran. Medyo kinabahan si Roeve at naisip n'ya na baka gantihan s'ya ng tatlong asungot kanina. At tulad nung nararanasan n'ya dati na may bigla na lang may bubuhos sa kanya ng tubig o kaya nama'y lagyan ng insekto ang likuran ng kanyang damit at kung anu-ano pang mga kalokohan. Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Roeve at inihanda na n'ya ang igagantimpala n'yang mabagsik na sipa sa kung sino mang magtatangka sa kanya. She's thankful to that bastard who trained her in the martial arts. Mukhang mapapakinabangan nga n'ya ang turo sa kanya ni Creed. Bibilang sana s'ya ng tatlo pero dahil sa magiliw s'ya sa panloloko sa kanyang sarili ay nasa ikalawang bilang pa lang s'ya ay maliksi na n'yang inikot ang kanyang katawan at alertong lumipad ang kanyang mga paa sa taong nasa likuran n'ya. Mabuti na lang at mas alerto ang taong nakabuntot kay Roeve kaya nasangga n'ya kaagad ang sipa nito gamit ang isa nitong kamay. "Dammit, Roeve!" The guy wailed at her. Nabigla si Roeve ng rumehistro sa paningin n'ya kung sino ang taong muntik na n'yang masipa. "Creed," She mumbled his name. Dahil sa may pagkabaliw nga talaga si Roeve kaya imbes na humingi ng tawad kay Creed ay napahalakhak pa ito. Natatawa lang s'ya dahil sa unang pagkakataon ay nabasa n'ya ang takot sa mata ng binata. Creed gritted his teeth in annoyance with what Roeve acted. He released Roeve's leg frustratingly and sent her a deadly glare. "You're being careless. Ngayon ay pinagsisisihan ko nang tinuruan pa kita sa martial arts, sa 'kin mo rin pala gagamitin." Creed sounded so disappointed and annoyed. "Akala ko kasi iyong mga bwisit na namang mga kaklase ko ang bumubuntot sa 'kin. Naging maagap lang ako, Creed." Sangga ni Roeve sa sarili. "They're pestering you again." It was a statement. "Wala namang bago dun," Ani Roeve at tinalikuran ang kausap upang ayusin ang sarili. "Magbabago 'yon kung nanaisin mo. Being a coward is man's worst weakness and you should try to dispatch that poltroons in your insides." Nilingon muli ni Roeve ang kausap dahil sa pagiging pursegido nito sa kanyang mga sinasabi. "How? It sounds easy enough but it certainly isn't, right?" "Have faith in your fѷcking self, trust your guts! That's what you have to do to save yourself from misery." "Teka nga muna, Mr. Saavedra! Sinundan mo ba talaga ako para lang pangaralan?" Usisa ni Roeve sa binata ng may pagtataka. Sa totoo lang ay hindi naman sila magkaibigan nitong lalaking 'to. Creed is just Freud's- her cousin's best buddy. Oo, malapit s'ya sa pinsan ngunit hindi naman ibig sabihin nun na close din sila ng lalaking 'to. Sa totoo lang ay ayaw n'ya talaga kay Creed. Lapitin rin kasi 'to ng mga babae tulad ng ultimate crush n'yang si Ice. At nangunguna raw 'to sa ranking ng mga hunk bachelors sa buong university. Ngunit sa puso naman n'ya ay si Ice ang number one. Pero hindi tulad ni Ice na mabait, ito namang si Creed ay basagulero at parati na lang nasasangkot sa gulo. In short, Creed is a bad boy type and absolutely not her type. Kaya ayaw na ayaw n'yang makipagkaibigan rito. "No! Not for that, actually. Freud asked me to give you this," He confessed and handed her a box of homemade cookies that's one of her favorite. Pero bakit naman s'ya bibigyan ng cookies ni Freud? Nakapagtataka naman dahil ito ang unang beses na pinadalhan s'ya ng ganito ng pinsan. Who made these? Her Tita Helga? She doubted her Tita baked these cause she actually knew that her Tita Helga can't bake. "Are you sure it's really from Freud? Hoy lalaki, niloloko mo ba ako, ha?" Kinain na si Roeve ng kanyang agam-agam. Roeve intently bored her sight in Creed's eyes like she wanted to read something. But nothing's written in there but a vacant expression. Damn this jerk! Sinungaling! Bagot na tiningnan s'ya ni Creed ng hindi pa rin n'ya tinatanggap ang kahong may laman na cookies. Creed frowned. "Kukunin mo ba 'to o itatapon ko?" Parang masidhing banta iyon sa pandinig ni Roeve kaya nama'y alisto n'yang hinablot iyon sa kamay ng binata. "No way! Sabi ko nga hindi ka sinungaling, e!" Napalagatak na lang si Creed sa kabaliwan ng babae sa harapan n'ya. Pero may parte sa loob n'yang natutuwa sa pagiging baliw ni Roeve. "So, naisip mo talagang sinungaling ako?" "Oo naman- Ops, h-ha? Ano nga pala 'yong sinasabi mo, Creed?" Agap na palusot ni Roeve. Gusto na n'yang batukan ang sarili dahil wala na namang preno ay bibig n'ya. Kahit naman nagagawa n'yang sagut-sagutin ng ganun si Creed ay alam n'ya sa sarili n'ya na nakakatakot talaga ang binata. At kahit babae pa s'ya'y baka ma-judo s'ya nito dahil sa pagiging dalahira n'ya. "A-ah alis na 'ko, ha? May klase pa kasi ako. Pakisabi na lang kay Freud na salamat dito." Aniya kay Creed at agad na tinalikuran ang binata. Naiwan si Creed sa hallway habang sinusundan ng kanyang mga mata ang papalayong bulto ni Roeve. At sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay natagpuan na lamang n'yang nakangiti na pala s'ya. Shit! He cussed out to himself.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD