Napatili ako nang bumagsak ako sa tubig mula sa surfing board kung saan ako nakapatong. Tinuturuan kasi ako ni Lyosha na mag-surf at kanina pa ako natutumba dahil hindi ko mahanap ang aking balance. Parang ang dali lang habang pinapanood ko siya. How could he even ride the waves with ease? Masasabi ko na talented ang aking asawa and I am proud that I am his wife. Masaya din ako at nagtuloy-tuloy na ang masaya namin na bakasyon. Ilang araw na rin ang nakalipas nang may mangyari sa akin sa beach. Hindi na halata ang marka sa aking mukha at braso, wala na rin ang pamamaga ng aking pisngi at magaling na din ang sugat ko sa gilid ng aking labi. All is well now at wala ng nanggulo sa amin. Hindi ko na nga rin nakikita si Monika, hindi na rin siya pumunta sa aming beach house na pinagpapasalama

