Magkayakap at patuloy kaming nag-iiyakan ni Mama nang sinabi ko sa kanya kung sino talaga ako. My mother na agad akong nakilala kahit pa nasa katawan ako ng aking kapatid. How did she do it? Ganyan siya noon pa, ang lakas ng kanyang intuition. Masyado bang halata na ako si Lillian lkaya nakilala niya ako kaagad? Kahit ano pang super powers ang ginamit niya, I am so, so, happy right now because finally, I can just be myself, not Amelia but Lillian. Gano’n kami dinatnan ni Papa at ni Korbin na hindi namin napansin na pumasok na pala sa studio. Napalingon kami sa kanila ang magsalita si Papa at nagkatawanan naman kami ni Mama. “Bakit nag-iiyakan na naman kayo?” Tanong ni Korbin. Seryoso ang kanyang mukha at nakatitig sa akin tapos ay tinignan niya ang mga artworks na naka-display sa studio.

