Nagising ako sa malakas na iyak ni baby at agad akong bumangon na nakapikit pa rin ang aking mga mata. Dahil may night light naman na malapit sa crib ni baby, kahit na may nursery na siya, we still keep him here in our room. Ilang months pa lang naman siya and I want him to be close to me as possible dahil may takot pa rin sa dibdib ko na baka biglang mawala ang anak ko sa akin. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang panaginip ko and lately, may nararamdaman ako na parang may mangyayari pero hindi ko alam kung ano ‘yon. I always keep on my mind na hindi perfect ang buhay ni Amelia kahit na ba kasama ko ang aking pamilya at masaya na kami. I am hoping so bad na mali ang mga naiisip ko, dahil ayaw ko ng bitawan ang pangalawang buhay na binigay Niya sa akin. “Shhh…tahan na Kolya, nandito na ko.

