"Kailangan ba na mag-shopping tayo ng damit?" Tanong ko kay Sadie habang nasa isang boutique kami. Kasama din namin ang Mama ko at si Mama Natasha na busy sa pag-aalaga ng kanilang apo. Dala namin ang stroller pero gising si baby at curious siya sa nakikita niya sa buong paligid. Ang mga asawa naman namin nasa trabaho, at si Korbin ay nasa gallery kasama si Papa Konstantin. It's been past two days mula nang may maganap sa mansion. May nakapasok kasing tao at sa nursery siya dumaan. I was really scared dahil baka ang anak namin ang gusto niyang kunin. I am just thankful at nakalayo kami kaagad bago pa may mangyari sa amin. Nagkaroon na ng investigation, may nakuhanan ng CCTV pero hindi ito nakilala sa bilis ng kilos nito at may suot na mask ang taong nakapasok. My husband was so furious o

