"Kailan ako pwedeng lumabas dito?" malamig at walang interest na tanong ko. "You're under observation for now, sweetheart. Hindi maganda ang mental condition mo dahil sa ilang series of shocking events na pinagdaanan mo recently," paliwanag nito. Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Ayaw ko siyang titigan dahil hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. Para bang pinag-halong lungkot, galit at pag-aalala na hindi ko mawari dahil baka nag-over thinking na naman ako at kung ano-ano na naman ang nagiging assumption ko. Gusto ko sanang magtanong kung kumusta na ang baby ko pero naisip kong hindi pala niya alam pa ang tungkol dito at tinatalo ako ng takot at pag-aalala na baka kapag nalaman niya ang tungkol sa anak namin ay kunin niya gaya ng kinatatakutan ko. Kanina parang hindi ko kilala

