"Ang sweet pala ni Sir Jared," kinikilig na sabi ni Elaine na nasa likuran ko pala. Tabingi ang ngiti na tumango ako sa kan'ya dahil nahihiya ako. Hindi ko alam na nakita pala niya ang ginawa ni Jared dahil laging nawawalan ako ng kontrol sa nangyayari sa paligid ko basta kasama ko ang lalaking iyon. "Gaano ka na katagal sa bahay na ito, Elaine?" bigla ay naisipan kong itanong. "Bago lang po ako dito sa mansyon, ma'am. Actually, si nanay po ang dating narito pero ako na po ang pumalit dahil matanda na siya at may sakit na," paliwanag nito habang kasabay kong naglalakad papasok sa loob ng bahay. "So kilala mo na si Jared at family niya dati pa?" curious na tanong ko. "Opo, pero bihira kong makita si Sir Jared noon. Busy siya lagi sa trabaho at ngayon lang na pirmi dito sa bahay mula

