Biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko inaasahan ang pagdating nito at wala rin namang sinabi si Jared na darating pala ang father niya. Kahit alam kong amoy araw ako dahil talagang pinag-pawisan ako ay pinili ko ang puntahan ang father-in-law ko. Ito ang unang pagkakataon na magkakaharap kami ayaw ko siyang pag-hintayin para maligo at magbihis pa. Malakas ang kaba sa dibdib na naglakad ako papunta sa sala. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang isang may edad na lalaking nakaupo sa sofa at umiinom siguro ng tsaa. Ewan ko ba pero, sobrang kaba ang naramdaman ko sa mga oras na ito. Sanay akong humarap kahit kanino pero iba ngayon na mismong daddy ni Jared ang haharapin ko. "Good morning, sir," magalang na bati ko nang makalapit na ako at ilang hakbang na lang ang layo ko sa bi

