"Sweetheart, how are you?" malambing na tanong nito ng sagutin ko. "I'm fine," walang gana na sagot ko. I wonder kung alam niyang narito ang magaling na tatay niya. Hmp, siguradong tumawag lang ang isang ito para utuin ako may pa sweetheart-sweetheart pa s'ya eh, mahadero rin siya at sinabi ang lahat sa daddy niya. Well, bakit hindi? Baka nga mag-kasabwat pa sila "Have you met my father?" tanong agad ni Jared kaya umikot ang mga mata ko. "Yes," sagot ko agad. Narinig ko pa ang malakas na buntong-hininga niya. Bago nagsalita sa kabilang linya. "Did he say anything to you, Camilla?" bakas ang pag aalala sa tinig na tanong nito. Kung dati, aaminin kong affected ako sa tuwing ganito siya ay hindi ngayon. Naiinis ako sa kan'ya at kulang na lang ay masakal ko siya kung sakaling narito si

