"Alam ko naman na mahal mo ako, ramdam ko naman iyon at hindi naman ako manhid para hindi ko makita, but believe me, I can't just love you like this." Yumuko ako dahil hindi ko na kayang salubungin ang namumula niyang mga mata. I know he was strong, pero malinaw na nasaksihan ko kung paano nagbadya at nangilid ang mga luha sa mga mata niya. "Wala ba tayong ibang option, Camilla? Baka pwedeng magbakasyon ulit tayo o kaya naman lumipat tayo ng bahay kasi malas siguro dito," suhestyon nito. Kung gaya ng dati ay matatawa ako sa sinabi niya, ngayon ay hindi na. Hindi ko kayang tawanan ang sinabi ni Jared ngayon at sa tingin ko naman ay hindi niya kayang magbiro gamit ang sense of humor niya dahil nakita naman nito na talagang devastated ako sa mga oras na ito. "No, hindi sagot sa atin ang

