"Simula bukas, lipat ako ng bahay Jared," muli ay sabi ko. "Gusto kong maranasan ang maging malaya. Ang walang nag-kokontrol sa buhay ko at gusto kong magsimula tayo sa tamang proseso," paliwanag ko. Gumalaw ang adams apple ni Jared habang paulit-ulit siyang lumunok. Siguro pinag-iisipan pa na niya ang sinasabi ko kaya siguro hindi muna siya umiimik. "Sige, I agree with this as long as it helps us, sweetheart, but please allow me to send you some bodyguards. Legally, we are married, and if someone finds out, it will put your life in danger and I can't just sit in my office and wait for that to happen," paliwanag nito. "Walang makakaalam kung wala tayong pagsasabihan. Saka paano ako makakilos ng normal kung nasa paligid ko lang sila?" salubong ang kilay na tanong ko. "They are fully tr

