Siguro para sa mga babaeng inuuwi niya dito, gaya ko. Pakiramdam ko biglang naging mapait ang panlasa ko. "It's all yours sweetheart." Tila nabasa niya ang laman ng isip ko kaya sinabi niya ang ganito dahil marahil nakita niyang wala akong balak hawakan ang mga ito. Malay ko ba kung para kaninong babae talaga ang mga ito, tapos sasabihin niya para sa akin. Sinong niloko niya? "Hindi mo na ako kailangang bolahin, Mr. Laxamana. Maayos na damit lang ang kailangan ko at hindi ang makipag-lokohan sa 'yo. Look, hindi ko alam kung sino sa mga babae mo ang may ari nyan o baka nariyan talaga ang mga iyan dahil kapag may inuwi kang kung sino-sino dito sa bahay mo ay may ipapasuot ka gaya ngayon na kailangan ko," tuloy-tuloy na sagot ko. Saglit na kumibot ang labi at kilay nito saka sumilay ang n

