Kagat ang pang-ibabang labi at dakot ng mahigpit ang underwear na dapat ay isusuot ko habang nakapikit at pinipigilan ang sarili na 'wag humiyaw dahil sa sakit. Naiiyak ko, ang hirap pigilan kaya pumatak ang luha sa mga mata ko at napa-hikbi ng hindi ko kayanin. Naramdaman kung umangat ang mga paa ko sa sahig at naglakad si Mr. Laxamana palabas sa wardrobe na binuhat pala ako. Ibinaba niya lang ako sa dulong bahagi ng kama at inilahad ang kanang kamay. "Give it to me, sweetheart," sabi nito. Nangunot ang noo na tingnan ko siya pero biglang nag-init ang mukha ko ng mapagtanto kung ano ang hinihingi niya. "I'll help you para maisulot mo 'yan, or you can stay bare the whole day if you want." Sunod-sunod na lunok ang ginawa ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko sa kan'ya dahil

