"Aba't, sasaksakin mo ko? ha,Thea?" gilalas ni Rommel "At bakit hindi, kung punong puno na ko sayo? una, umalis ka sa trabaho, alam mo naman na kailangan natin yon.. Pangalawa, paano na yung mga utang na hindi pa nababayaran sa pamilya mo, dahil sa kaka apply mo? ha, Rommel? Kaya nila tayo nagagawang sumbatan!" hawak pa rin ni Thea ang patalim, habang nanginginig na nagsasalita… "Pangatlo, ang pagpatol mo sa kung sinu-sinong mga pokpok, nakakadiri ka! baboy ka! binaboy mo ang kasal natin, binaboy mo ko!" garalgal ang tinig ni Thea habang nagsasalita… "Pinagkatiwalaan kita ng buhay ko! pero sinira mong, buhay ko, ang mga pangarap ko!" sigaw niya "Hindi pala kita dapat, minahal!" inihagis ni Thea ang kutsilyo sa harap ni Rommel, sabay nagtatakbo ito ng matulin palayo, habang umiiyak… At

