Kinabukasan ng hapon pagkagaling ni Thea,mula sa trabaho ay nagtungo sya sa bahay ng kanyang mga magulang.. "Nay,Tay.." Nabungaran nya ang kanyang Ina,na naghihiwa ng mga gulay sa kusina "Mano po nay,si tatay ho.." "Hay naku,wala dito,isinama ng kaibigan nya,may pupuntahan daw Sila,bakit?" "Ah eh,may s-sabihin ho sana ko sainyo eh,ni itay.." "Ano yun?eh bakit ba ngayon ka lamang nagpunta dito?" Tanong ng kanyang Ina "Ah,eh,pumapasok na ho kasi ko sa carinderia ni Becca,tapos,naglalabada pa din ho ako kay aling Marita pag araw ng sabado.." "O,eh ano ba yung nabalitaan ko na,umalis na naman daw ng trabaho yang asawa mo?" "Yun nga ho eh" tugon ni Thea,habang naupo,sa tabi ng kanyang Ina.. "At ano ba yung sinsabi ni Julie na nagtatrabaho na sya sa Isang fastfood? hay naku Althea,eh

