Kulang na lamang ay halik-halikan at yakapin ng ubod ng higpit ni Izzy si Margaux nang walang sabi at bigla na lamang siya nitong hilahin palayo kay Carl, dahil kasi sa pag hila sa kanya ni Margaux upang dalhin sa kung saan, pakiramdam ni Izzy ay natakasam niya ang mapanuring tanong ni Carl tungkol sa kanya at kay Seth. Alam niyang panandalian lamang iyon dahil mamaya kapag nagkaroon ulit ng pagkakataon si Carl ay mag tatanong ulit ito, ganoon pa man ay nag papasalamat pa rin siya, kahit paano kasi ay magkakaroon pa rin siya ng pagkakataong pagisipan ang isasagot sa kanyang best-friend kung sakali. Matagal na ba kayong magkakilala ni Uncle Seth, Izzy? Mariing na lamang na nakagat ni Izzy ang sariling labi nang muling maalala ang tanong na iyon ni Carl. Alam niya rin naman na pwede niya

