Pasado alas dose na ng hating gabi nang matapos ang party, sa dami halos ng naganap sa gabing iyon ay hindi na namalayan pa ni Izzy ang oras, ni hindi niya na nga rin alam kung paano niyang napapayag si Carl nang tangihan niya ang paanyaya nitong mag kape sa malapit na coffee shop sandali. Bukod kasi sa pagod na rin siya ay kating-kati na rin ang kanyang pakiramdam sa gown na suot. Komportable naman sana iyon, kaya lamang ay hindi siya sanay. Mas gugustuhin niya pa yata ang mag suot ng luma at over-sized na T-shirt at jogging pants kesa sa dress. Hindi rin alam ni Izzy kung paano niya nagawang iwasan si Seth Santiago buong gabi nang takasan niya ito bigla kanina nang may kung sinong lumapit dito upang kausapin. “Pero hanggang kelan mo balak na iwasan siya, Izzy? Parang imposible nang m

