Sunny Maghapon na nakatutok lang ang mata nilang dalawa ng boss niya sa trabaho, kaya nang sobra na talaga ay natuyo na ata ang tubig sa mata niya, ang liit pa naman ng ibang letters sa papel kahit printed pa 'yon. Lumingon siya sa orasan, pero napabalik rin ang tingin niya dahil malapit na ang oras para umuwi sila, pag talaga tutok sa trabaho nakakagulat na lang uwian na pala. Inayos niya ang table niya at kumatok sa pinto ng boss niya. "Sir, ilang minuto na lang uwian na." "Mauna ka ng umuwi,may tatapusin pa ako." Saad nito na hindi tumitingin sa kanya. "Okay sir." Sinarado niya ang pinto at tiningnan ang oras,sinakto talaga niyang alas-singko, bago lumakad papunta ng elevator. Pag-uwi ay madami rin siyang gagawin dahil ilalagay pa niya sa malaking bag ang damit niyang dadalhin sa

