Sunny After One Week... Nandito na naman siya sa tapat ng building ng boss niya, dahil back to work na sila sa mismong kumpanya. Ang weird kasi sa tuwing nasa isang kwarto lang ang pinagtatrabahuhan nilang dalawa ng boss niya, hindi niya alam kung may third eye siya o sadyang sa tuwing lilingon siya sa boss niya ay napapansin niya na parang umiwas ito ng tingin sa kanya. Magaling naman na talaga siya dahil nakapagpahinga siya ng one week din sa hospital, pero sadyang nag-extend pa ng one week ang boss niya para doon sa bahay magtrabaho. "Bakit ba nakatayo ka pa diyan? Pumasok ka na kaya sa loob." Napatingin naman siya sa boss niya na nasa likod na niya ngayon. Sa malayo siya nagpahinto para dito siya dumaan, at ito naman sa parking. Bakit nandito rin ito ngayon, at hindi pa sa elevator

